Chapter 33

17 1 2
                                    

Chapter 33

Adrian's POV

I was surprised to know na female version pala ni Jackie Chan si Miyuki. Buti nalang hindi niya ako kinarate nung napagkamalan kong Afritada yung Putchero niya. Hehehe.

"Miyu, kung marunong ka pala sa martial arts noon, bakit hindi mo ako ginamitan ng karate moves mo nung nasa mansion tayo? Remember? Nung una kitang dinala sa mansion dahil na-stuck ka sa gitna ng blizzard."

"Kahit naman gaano ako kagaling sa martial arts eh iba pa rin kalaban ang mga may sapak sa utak, akala ko kasi talaga noon psychopath ka, sino ba namang matinong tao ang magtatago ng kalansay ng tao sa kwarto niya di ba? Saka noon pa man something inside me whispered that should I trust you kahit hindi pa kita nakikilala bilang si Hero."

Napangiti ako sa sinabi ni Miyuki. So even if stranger lang ako sa paningin niya still, she will trust me.

"Siguro kasi noon pa man mahal mo na rin ako." Hindi ko napigilang sabihin.

"Siguro nga...pero ngayon nakasisiguro ako na mahal kita, kaya sana huwag kang mag-sawa na mahalin ako." she said and looked at me.

"Oo naman, katunayan niyan may pick up line nga ako sayo ngayon eh."

"Pick up line? Ikaw Adrian? Marunong mag-pick up line?"

"Oo, gusto mo ng sample?"

"Ok sige sige, go on i-banat mo na yang pick up line mo."

"Miyuki tae ka ba?"

"Ano?!" galit na tanong ni Miyuki.

"Sabi ko tae ka ba?"

"Adrian, ayusin mo yang pick up line mo ha! Mahal kita pero kapag nakaka-irita yang pick up line mo, sasaktan talaga kita! Quota na ako sa mga kaibigan mong matapobre!" inis na sabi sakin ni Miyuki

"Just say bakit..." I said trying to convince her.

"Ok, bakit?"

"Kasi hindi kita kayang paglaruan." Sabi ko saka ako ngumiti.

She also smiles at me.

"Ang corny mo ha..." sabi niya na hindi naman maitago ang kilig na nararamdaman.

"Corny? Eh bakit kinikilig ka diyan kung corny?"

"Stop it ok? Tara na, ihatid mo na ako, hindi ako nakakain kanina eh, gutom na ako."

"Sige, gusto mo ba kumain muna tayo bago kita ihatid?"

"Sige, sige gusto ko yan."

Dinala ko si Miyu sa China town, kumain kami ng Chinese food doon.

Habang kumakain kami ay hindi ko napigilang tumitig kay Miyu.

"Ohh, bakit?" she asked.

"Sana lagi tayong ganito ano?" I told her.

"Oo naman, lagi tayong magiging masaya, promise yan." She said.

Matapos kumain ay inihatid ko na siya. Masaya ako kahit hindi maganda ang naging pagkikita ng mga barkada ko at ni Miyu. I can't believe that they will do that to Miyuki. They are my friends for a long time but I am willing to sacrifice our friendship para kay Miyu, if they don't like Miyu then I don't need them!

*

Day off ni Miyu so I decided to ask her to come with me sa isang orphanage, out of town.

Pagdating namin sa ampunan ay agad kaming sinalubong ng mga bata.

"Sir Adrian, may girlfriend ka ba po ba? Pwede po ba ako nalang ang girlfriend ninyo?" sabi ng isang batang babae sakin na ikinagulat ko at ikinagulat din ni Miyuki.

MMM History and Other DetailsWhere stories live. Discover now