Chapter 1

290 12 0
                                    

10 years ago...

Chapter 1

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak. I am happy with my life kahit sobra akong nasaktan noon. I fell in love with the wrong person. Kahit masakit tinanggap ko na talo ako pero seriously kailangan paba ulit naming magkita? For what? Tapos ngayon heto... heto na naman yung feeling na ayoko na ulit maramdaman... Ang saklap naman... So it means nai-inlove na naman ako kay Eugene? Patay tayo diyan!

Malapit ng matapos ang klase namin sa Psychology kung saan classmate ko si Eugene. I chosen the course called Information Technology at si Eugene naman ay kumukuha ng kursong Computer Engineering. Sa pitong subjects na mayroon ako ngayong sem tatlo doon ang mga subjects kung saan classmate ko siya. Halos two weeks ago na rin simula nung mag-start ang klase pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap. Well maybe hindi na niya ako nakikila?

I've changed, I've grown. Back then I was soooo boooring... You can call me the typical nerd student who wants to go in the library and read books instead of hanging out with barkadas. Hahahaha!

Paano ba naman ako magkakaroon ng barkada? When everyone seems to be afraid of me? Mahaba ang buhok ko na parang si Sadako, hindi mahilig mag-ayos ng sarili. Nakakatakot din daw ako tumingin, minsan kapag tinotopak nagpupunta ako sa garden ng school mag-isa at doon ako kumakanta.

Yes I want to sing pero ayokong may nakakarining. Ehh kung isali ako ng mga hinayupak kong classmate sa mga programme ng school at pakantahin ako "live" sa harap ng maraming tao?

Inferiority complex. That is the right word to be used para i-describe ako. Search ninyo nalang sa Google. Tinatamad akong iexplain eh.

Ang haba na ng flashback ko kaya lets go back to reality.

Heto ako ngayon sa classroom nagdadasal na matapos na si Mrs. Benitez sa kanyang lecture para makatakbo na ako pauuwi. Kanina pa kasi nakatingin sa akin si Eugene at pakiramdam ko kilala na niya kung sino ako.

I caught his eyes looking at me, nagbawi naman siya ng tingin at syempre ganoon din ako. Wish ko lang talaga hindi niya ako nakilala.

"And that is all for today, next meeting may quiz kayo chapters two and three, walang aa-bsent ha." Sabi ni Mrs. Benitez.

"Yes, Ma'am." Sabay-sabay naman naming tugon.

Nagmamadali akong nag-ayos ng gamit at mabilis na lumabas ng room. Medyo mabilis ang paglalakad ko para maka-uwi na ako kaagad ng biglang may humawak sa kamay ko...

"Miyu?"

Alam kong siya yun... Si Eugene. Wala na akong nagawa kailangan ko siyang harapin. Alam ko naman na darating ang araw na mag-uusap kami. Hindi ko siya maiiwasan dahil three times a week kaming magkikita dahil mag-classmate nga kami sa mga minor subjects.

"Ohh Hi. Ikaw pala yan Eugene."

"Oo kumusta ka na? Ang laki ng pinag-bago mo Miyu."

"Ok lang naman ako, ikaw kumusta ka na? Akala ko sa Baguio ka mag-aaral kasama si Selena?"

"Sabi kasi ni Papa mas ok na dito nalang sa sa probinsya mag-aral ganoon din naman ang turo. Isa pa medyo kapos kami sa budget eh." He said while smiling.

Damn it! Bakit ganon it seems hindi siya nagbago. Cute pa rin siya. Sigh...

At isa sa mga naging dahilan kung bakit ko siya minahal ay yung cute smile niya. Napaka-inosente at very charming.

Suddenly my phone rings.

"Ahh wait sagutin ko lang yung phone."

"Ok sige lang."

MMM History and Other DetailsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt