Chapter 32

17 2 1
                                    

Chapter 32

Miyu's POV

Sobrang saya ko na dumating sa buhay ko si Adrian, siya ang nagbalik ng saya sa mga mata ko, siya ang nagbibigay kulay sa nagdilim kong mundo, siya ang nagbigay saya at pagmamahal sa nawasak kong puso. Si Adrian... siya yung taong bumuo sa pagkatao ko. He took me out of my isolated and melancholic world. I finally seen the light, I finally feel the warmth of his love. Ganito pala ang inlove, sobrang saya, sobrang sarap, minsan tuloy natatakot ako, paano nalang kung kagaya din pala siya ng mga lalaking minahal ko noon? Sana naman hindi, sana naman mali ang iniisip ko kasi kapag nangyari yun... hindi ko alam kung kakayanin ko. Sana lang hindi sa mental ang bagsak ko kapag nagkahiwalay kami ni Adrian.

*

Minsan ay nagkaroon ng reunion ang barkada ni Adrian, college friends daw niya ang mga yon' masayang-masaya siya, kasi finally maisasama na niya ako at maipagmamalaki sa mga barkada niya. Ilang taon din daw kasi siyang kinakantyawan ng mga ito na mag-girlfriend na, dahil siya nalang daw ang walang lovelife sa kanilang magbabarkada.

"Adrian, sa tingin mo ba magugustuhan ako ng mga barkada mo? I mean di ba mayayaman din sila? Hindi ba sila matapobre?"

"Nope, hindi sila ganon, mababait sila... they are actually excited to meet you."

"Talaga? So nabanggit mo pala sa kanila na kasama ako ngayong gabi sa reunion ninyo?"

"Well, yes, I told them na ipapakilala na kita sa barkada, at last they will finally meet my lovely girlfriend tonight, don't worry hindi ka nila aapihin kasi hindi ko sila hahayaan na ipahiya ka nila."

"Hep-hep, huwag masiyadong mabilis, hindi pa po kita sinasagot, friends muna tayo sa ngayon di ba?"

"Bakit ba kasi ayaw mo pa akong sagutin?"

"Ilang buwan ka palang nangliligaw sakin tapos sumusuko ka na?"

"Hindi ako sumusuko, I grew up in Philippines as well and I know our tradition in terms of courting a woman, and I am willing to court you that way kung doon ka sasaya."

"Oo naman, yung lolo nga ni Pastillas girl apat na taon daw nanligaw sa lola niya, di ba ang sweet non?"

"Wait sino si Pastillias girl? And four years? Are you serious? Ganoon mo ako katagal balak paghintayin?"

"Si Pastillias girl yung tinulungan ni Vice Ganda sa advice ganda segment niya sa showtime, trending kaya yun lagi sa twitter, at Oo gusto ko sana ganon katagal para naman hindi mo ako basta-basta nalang iwan."

(Hello, speaking of twitter, baka pwedeng pa-follow naman si @raviensansrival , paki-follow daw siya eh, sana naman mapagbigyan ninyo.)

"Sino naman si Vice Ganda? saka ano yung showtime? And by the way, I will never ever leave you again, hinding hindi na kita pakakawalan, ngayon pa... ngayon pa na tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita ulit tayo. I am willing to wait forever, if that's what you wish for."

"Sa TFC yun... mga palabas sa Pilipinas, kalaban nga nila yung AlDub ehh, kalyeserye naman yun sa kabilang channel. Minsan manood ka, tignan mo maaliw ka talaga." I said and smile at him. So handa pala talaga siyang hintayin ako habang buhay?? Hmmm... malalaman natin yan.

"TFC?" He asked again.

"The Filipino Channel, kasi alam mo kapag nanonood ako ng mga Filipino TV programs parang nasa pinas na rin ako."

"Ok, sige... we're here tara na." Biglang sabi ni Adrian.

Bumaba kami ng kotse saka pumasok sa loob ng restaurant.

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon