Chapter 9

71 5 0
                                    

Chapter 9

Araw ng lunes.

Antok na antok pa ako pero kailangan kong gumising ng maaga. Kasama ako sa seminar sa Manila. Piling estudyante lang ang pinayagang sumama and knowing my skills and knowledge isa ako sa pinasama nila. Marami daw matutunan sa seminar na iyon so sumama na din ako. Makakadagdag din sa credentials ko yung certificate na makukuha kung sakali so why not di ba?

Maayos naman ang lahat sa seminar maluwang ang venue, fully-air conditioned, tapos masarap din ang food na ipinamahagi sa mga estudyante. Mula sa I.T. and Business industry ang mga speakers sa seminar.

Matapos ang seminar agad na kaming naghanda para umuwi. Pabalik na sana na ako sa bus ng biglang may nagsulpukang sasakyan sa harapan ko!

Isang SUV at isang taxi kung saan may sakay itong mag-ina. Hindi ako makagalaw, para akong natuod ng mga oras na iyon.

Nakita ko kung paano pilit na binuksan ng babae ang pinto ng taxi, pilit niyang inilalabas ang kanyang anak.

Nang mahimasmasan ako ay agad akong lumapit. Inalalayan ko yung babae at tinulungan siya na kargahin ang kanyang anak.

"Gabby! Diyos ko po! Yung anak ko!" patuloy na umiyak ang babae.

Walang malay yung bata at mukhang hindi maganda ang kalagayan nito. Samantala may mga taong tumulong sa driver ng taxi pati na rin sa mga sakay SUV.

"Miss tulungan mo naman ako, dalhin natin sa ospital ang anak ko!" Umiiyak na sabi ng babae.

"Tulong. Tulungan niyo kami!" Sigaw ko.

Natataranta din ako, hindi ko alam ang gagawin. Mabuti nalang may taxi driver na nag-magandang loob na ihatid kami papupuntang ospital.

Agad na isinugod sa Emergency Room ang bata. Wala pa rin itong malay.

Habang nasa-ospital kami nagring ang phone ko.

"Miyu nasaan ka na? May nagbanggadan daw kaninang taxi at SUV malapit sa lugar kung saan tayo nag-seminar kanina. Nasaan ka na ba? Ikaw naalng ang hinihintay dito sa bus!"

"Sorry Maan, kasi nandito ako ngayon sa ospital."

"Ha? Bakit? Anong naangyari sayo?"

"Ok lang ako... kaya lang kasi sinamahan ko pa yung mag-ina na kasama sa aksidente kanina. Nakaka-awa naman kasi sila, hindi ko sila maiwan dito."

"Ha? Ehh paano yan? Ala namang maghintay kami dito?"

"Sige iwan na ninyo ako, magcocomute nalang ako pauwi."

"Ganon ba? Sige sasabihin ko kay Sir De Guzman na mag-papaiwan ka nalang, Miyu mag-ingat ka ha. Text mo ako kapag nakauwi ka na."

"Ok Maan, Thank you."

The call has ended.

*

"Ma'am may sugat din po kayo, kailangan po natin magamot iyan, huminahon po kayo." Sabi ng Nurse sa Nanay nung bata na nasa ER.

"Hindi, yung anak ko, gusto kong makita yung anak ko!" Umiiyak na turan ng Ina.

"Misis sandali lang po, huminahon kayo." Sabi ng Nurse.

Pinuntahan ko ang nagwawalang babae. Susubukan ko siyang kausapin.

"Pwede bang huminahon ka muna? By the way ako yung tumulong sa inyo kanina para madala kayo dito sa ospital nung anak mo."

"Paano akong hihinahon? Ang anak ko nag-aagaw buhay!" sigaw sa akin ng babae.

(Pak...)

Sa tindi ng pagka-inis ko nasampal ko yung babae. Kahit yung Nurse na sinusubuhan siyang pakalmahin ay nagulat.

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon