Chapter 18

30 3 0
                                    

Chapter 18

"Dennis, hihiramin ko muna yung kaibigan ninyo ha?" pagpapaalam ko sa mga barkada ni Eugene.

"Ok, lang basta sana kapag ibinalik mo yung kaibigan namin kumpleto pa ang lahat ng parte ng katawan niya ha." Pagbibiro ni Alfred.

Nang mga oras na iyon ay masama ang tingin in Eugene kay Alfred, tila gusto nito na saktan ang kanyang kaibigan dahil sa panunudyo nito.

"Huwag kayong mag-alala, naiwan ko sa bahay ang chainsaw ko kaya naman hindi ko cha-chop-chopin ang kaibigan ninyo." Nakangiti kong sagot kay Alfred.

*

Naglakad-lakad muna kami, para naman mawala ang tension sa pagitan namin ni Eugene.

Maya-maya hindi na rin natiis ni Eugene ang nakabibinging katahimikan.

"Totoo ba yun?" tanong niya sa akin.

"Ang alin?"

"May chainsaw ka sa bahay ninyo?"

"Wala, binibiro ko lang yung kaibigan mo."

Biglang nakahinga ng maluwag si Eugene.

"Akala ko talaga may chainsaw ka sa bahay ninyo." -___-

"Baliw!" bigla kong nasambit saka ko ginulo ang hairstyle niya.

Nakangiti lang siya sa akin na tila nag-e-enjoy sa ginagawa ko sa buhok niya.

Napatigil naman ako dahil pakiramdam ko hindi lang siya ang nag-eenjoy sa moment na iyon. Pati na rin ako...

"Siya nga pala... Gusto kitang kausapin tungkol kay Lyka.

"Ba— bakit? Anong sinabi sayo ng pangit na yun?"

"Eugene, pwede bang magtanong?"

"Ano yun?"

"Ano bang nararamdaman mo kapag nang-bu-bully ka?"

Napaisip sandali si Eugene saka sumagot.

"Masaya, nakakatuwa, masaya kasi talagang mag-trip lalo na sa mga classmate natin na mukhang ewan, gaya nalang ni Lyka."

"Masaya? Nakakatuwa? Alam mo ba na nakakasakit ka na? Alam mo ba na nakakasakit ka ng kapwa mo tao?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Eugene, para siyang bata na pinagagalitan ng nanay niya.

"Miyu, kahit naman kailan hindi namin sinaktan si Lyka, puro pang-aasar lang ang ginagawa namin sa kanya, kahit kasi mukhang unggoy yun, babae pa rin siya. Salita lang—" may sasabihin pa sana si Eugene but I interrupted him.

"Salita lang...? Sabagay kailan ba nakasakit ang mga salita, afterall there are just plain words?" I said sarcastically.

Halatang naapektuhan siya sa mga sinabi ko.

Tumingin siya sa malayo, alam niya na nasa katwiran ako at siya ang mali, pero parang hindi pa rin niya matanggap.

My hands voluntarily reached his hand and I hold them hand gently.

Napatingin siya sa akin.

"Sana lang maisip mo din yung ibang tao, maaring para sayo wala lang yung mga salitang binibitiwan mo, pero sa iba masakit yun. Alam mo ba na may dalawang uri ng sugat?"

Bigla siyang na-curioous

"Ano naman ang mga sugat na iyon?"

"Yung una pisikal na sugat, yung karaniwang sugat na nakukuha natin, kagaya cuts, burn, lacerations, at iba pang sugat na maaring makuha kapag naaksidente ka. Yung pangalawa naman yung emosyunal na sugat, yun yung sugat na sa sobrang sakit, kahit yata anestisya eh walang talab, karaniwan itong nakukuha kapag kulang sa attention or pagmamahal ang isang tao o kaya naman nakakaranas siya ng pagmamalupit o pang-aalipusta mula sa ibang tao. Yung pisikal na sugat sa ilang araw na lilipas maghihilom din, pero yung emosyunal na sugat, taon ang binibilang bago maghilom at kung minsan nga hindi na ito naghihilom ,unless magkaroon ng reconciliation between sa taong nasaktan at taong nakasakit. "

MMM History and Other DetailsWhere stories live. Discover now