Chapter 22

30 3 0
                                    

AN: Reader's comments are highly appreciated, especially constructive criticisms and grammar checking. Thank you.

Chapter 22

"Mga hayop kayo! Bitiwan nyo siya." Galit sa sigaw ni Stefan.

"Pare, huwag ka nang makialam kung ayaw mong masaktan!" Sabi ng isa sa mga manyak.

Walang sabi-sabi na sumugod si Stefan, nakipagbuno siya sa limang kalalakihan na nagtangka kay Miyu.

After one hour...

"Boss, tama na! Kung gusto mo sayo na yung babae, maawa ka naman samin." Dahil sa narinig ay muling sinutok ni Stefan sa mukha ang isa sa mga lalaki na nagtangkang humalay kay Miyu.

"Gago ka ba? Hindi ako maawa sa inyo dahil kapatid ko yung tinarantado ninyo! Huwag ka ng mag-aksaya ng laway dahil i-sa-salvage ko kayo ng mga mankyakis mong kaibigan."

"Boss! Patawairn mo kami! Boss!!!" sigaw ng lalaki pero patuloy itong ginulpi ni Stefan.

Nang mawalan na ng malay ang lalaki ay tumigil na si Stefan at agad itong nag-dial sa kanyang cellphone.

Tinawagan niya ang kanyang kaibigang pulis para tulungan siya na dakipin ang mga nagtangka kay Miyuki.

*

Dahan-dahang dumilat si Miyuki...

"Nasaan ako? Anong nangyari?" tanong ni Miyu sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang kwarto kung saan siya nakatulog.

Napansin din niya na iba ang kasuotan niya.

She wears blue pyjamas!

"Nasaan na yung mga damit ko?" tanong muli ni Miyu sa kanyang sarili.

Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto at mula sa pintong iyon ay lumabas si Stefan, suot din nito ang katernong blue pyjamas na suot ni Miyuki.

"Stefan? Bakit ka nandito?"

"Nandito ako, kasi bahay ko to."

"Sandali eh bakit ako nandito?"

"Nakalimutan mo na ba? Muntik ka ng ma-rape kagabi."

Biglang naalala ni Miyuki ang kahindik-hindik na karanasan na sinapit niya kagabi. Oo nga pala may limang kalalakihan ang nagtangkang gahasain siya.

"Sandali... kung nandito ako sa bahay mo ngayon ibig sabihin iniligtas mo ako sa kanila? Tila naiiyak na tanong ni Miyu.

"Oo ganon na nga, take lang sandali, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" nag-alala naman na lumapit si Stefan kay Miyu.

"Hindi... OK lang ako." Tila nahihiya naman na sagot ni Miyu.

"Eh bakit ka nga umiiyak?"

"Hindi ka ba galit sa akin? Di ba muntik ka ng ipapulis ni Auntie Meg dahil sa kagagawan ko?"

"Siyempre naman nagalit ako sayo!" nang-gigil na sabi ni Stefan habang pinisil ang isang pisngi ni Miyu.

"Aray ko!! Aray ko kuya masakit!"

"Hey! Did you just call me Kuya?"

"Oo.. Kuya Stefan, I'm so sorry... ang laki ng kasalanan ko sayo." Umiiyak sabi ni Miyuki.

Agad naman siyang niyakap ni Stefan.

"Alam mo bunso kahit anong mangyari hindi naman kita kayang tikisin. Kahit malayo ako sayo ay palagi kitang binabantayan."

"Anong ibig mong sabihin?" Miyu asked curiously.

Sandaling umalis si Stefan at agad na bumalik dala ang bag ni Miyu.

MMM History and Other DetailsWhere stories live. Discover now