Chapter 39

12 1 1
                                    

Chapter 39

Miyu's POV

Kinabukasan...

Hindi ko napigilang kuhanan ng pictures ang mga lasing habang natutulog.

Naka-akap pa si Stefan at si Eugene kay Adrian...

Nakakatawa talaga kasi parang bato lang si Adrian na nasa gitna na hindi man lang makagalaw.

Click... Click... Click... pagtunong ng shutter ng camera.

Hindi nagtagal ay nagising na din ang tatlo.

Nagkagulatan pa silang tatlo ng makita nila ang posisyon nila sa pagtulog.

"Ang sarap ng tulog ninyong tatlo ah." Sabi ko sa kanila.

"Baka sila lang ang masarap ang tulog..." may pagmamaktol na sabi ni Adrian.

"Ahh! Ang sakit ng ulo ko." Sabi ni Stefan, samantala ay tumakbo naman papuntang CR si Eugene dahil nasusuka ito.

"Ayan, ang napapala ninyo, ang lalakas ninyong uminom ha, ilang case din yung naubos ninyo!" galit sabi ni Claire.

"Baby, ipagtimpla mo naman ako ng kape tapos hilutin mo na rin yung ulo ko, masakit talaga eh..." pagpapacute ni Stefan.

"Hai..." Claire sigh... Mukhang hindi rin niya matiiis ang kuya ko.

Nagtimpla ito ng kape para kay Stefan, Adrian at Eugene.

Gaya ng gusto ng kuya, hinilot siya nito sa ulo.

"Ahhh, ang sarap, diinan mo pa baby." Sabi ni Stefan.

Maya-maya biglang dumating si Gabby.

"Good morning mommy, good morning daddy."

"Good morning anak." Bati ni Claire kay Gabby.

"Good Morning Gabby, kumusta na ang gwapo kong anak?" Sabi ni Stefan.

"Mommy, Daddy, nagugtom na po ako."

"Ahh, sige pumunta ka na sa kusina, naghanda ako ng hotdogs and pancakes." Sabi ni Claire. Agad naman itong pumunta , nandoon din si Auntie Meg, at sinabayan na niyang kumain si Gabby ng almusal.

Hindi nagtagal lumabas na rin si Eugene sa CR.

"Kape oh, pamapawala ng hang-over." Sabi ko kay Eugene sabay about ng tasa na may lamang kape.

"Thanks." Tanging nasabi niya at ininom ang kape.

"Guys, I have to go, dumating kasi yung may client namin from Singapore, sila yung nagpapagawa ng security system samin.." Sabi ni Eugene matapos ubusin yung kape.

"Sige, mag-ingat ka nalang." Sabi ko.

"Sige pare ingat ka." Sabi naman ni Kuya habang hinihilot pa rin siya ni Claire.

"Sige pare ingat." Sabi naman ni Adrian.

"Nice meeting you Adrian, sige, I'll go ahead." Sabi ni Eugene at tuluyan na itong nagpaalam.

Habang umiinom ng kape ay nakatingin si Adrian kay Stefan, nakapikit ito at tila sarap na sarap sa paghagod ng kamay ni Claire sa sintido nito.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya nabaling ang atensyon niya sakin.

"Miyuki, pwede mo rin ba akong hilutin?"

"Ha? Hindi ako marunong maghilot eh." Sabi ko naman.

"Sige na please..." sabi ni Adrian sakin.

"Heto Miyuki, gamitin mo itong liniment oil." Biglang inabot sa akin ni Claire yung bote na may lamang liniment oil.

"Ganito gayahin mo lang yung ginagawa ko." Sabi ni Claire.

MMM History and Other DetailsWhere stories live. Discover now