Chapter 38

13 1 1
                                    

Chapter 38

Kinagabihan...

Dumating na sila Stefan at ang mag-ina nito, kasama rin nila si Eugene.

"Kuya, nandiyan na pala kayo, kumusta yung pasyal ninyo?"

"Ok naman, itong si Gabby, libang na libang kalilibot sa mall at kalalaro sa mga arcades." Sagot ni Stefan.

"Ahh, sige magluluto na ako ng hapunan... Magluluto ako ng Putchero." sabi ni Miyu.

Nakita ko na na biglang nag-iba ang kulay ng mukha ni Stefan pati ni Claire.

"Mommy, magluluto daw po ulit ng Putchero si tita Miyu?" sabi ni Gabby na parang hindi rin sang-ayon sa narinig.

Maya-maya pa ay sumabat si Eugene.

"First time ko matitikman ang Putchero ni Miyu, siguradong masarap yun." Sabi ni Eugene na siya namang pumukaw sa atensyon naming lahat.

Nagtaka si Eugene at nagtanong. "Bakit may mali ba akong nasabi?"

Mukhang first time nga niyang matitikman ang Putchero ni Miyuki, kasi parang wala siyang ideya kung anong lasa ng Putchero na luto ni Miyu, samantala si Stefan at yung mag-ina niya mukhang na-sample-lan na ng Putchero ni Miyuki kaya hayan parang nagkulay ube din yung mga mukha nila.

"Ayy, Miyuki, bakit hindi nalang adobo o kaya sinigang o ibang luto? Huwag na Putchero, di ba nung huli kaming bumisita noon Putchero na yung niluto mo samin? Iba naman kaya?" Suhestiyon ni Stefan.

"Oo nga, gusto mo ituro kayo sayo yung recipe ko ng Kare-kare? Tulungan na kitang magluto." Sabat naman ni Claire.

Tama ang hinala ko, na-sample-lan na nga sila ng magic Putchero ni Miyuki ko. Hahaha.

"Ay ,huwag na, kaya ko na ito, alam mo last time na nag-luto ako ng Putchero, aminado naman ako na hindi ko pa perfect yung luto ko noon, pero ngayon, sure na sure na ako, panalo ito. Promise." Sabi ni Miyu.

"Yun naman pala eh, sure naman pala si Miyu na masarap yung luto niya, Hindi ko pa natitikman ang luto ni Miyuki, siguradong masarap yun." Sabi naman ni Eugene. Epal talaga to' sarap sapakin. Palibhasa hindi pa niya natitikman yung Putchero na lasang Afritada na hindi mo maintindihan.

"Oh, kita ninyo, buti pa itong si Eugene gustong matikman yung luto ko, sige pupunta na ako sa kitchen." Sabi ni Miyuki.

"What do you think you're doing?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit ipinipilit mong paglutuin si Miyu ng Putchero?"

"Kasi hindi ko pa naman natitikman yung luto niya—" magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na siya.

"Exactly! Hindi mo pa kasi natitikman yung Putchero niya!" inis kong sabi na narinig naman ni Miyuki dahil bahayang napataas yung boses ko.

"Nag-aaway ba kayo dahil sa pagluluto ko ng Putchero? Bakit may problema ba sa luto ko?" tila may inis na sabi ni Miyu.

"Adrian, may problema ka ba sa luto ko?"

"No—no of course not, masarap yung luto mo." Napilitan kong sagot.

"Ikaw Claire, may problema ba sa luto ko?"

"Wala, ano ka ba, ok naman yung luto mo ehh."

"Pero Mommy—" magsasalita sana si Gabby pero tinakpan ni Claire yung bibig niya.

"Don't worry magpapadeliver nalang tayo mamaya ng pizza." Mahinag bulong ni Claire pero dahil medyo malapit ako sa kanila ay narinig ko yun. Kahit sila hindi nila gusto ang luto ni Miyu.

MMM History and Other DetailsWhere stories live. Discover now