Chapter 5

130 6 1
                                    

Chapter 5

He seems to be a kind-hearted man. Hindi siya katipo ni Tristan na mayabang at agresibo sa babae, Brice is a good-looking man, there is no doubt about it, however I was surprised that mayroon pa rin palang kagaya niya. Yung i-rerespeto ka.Yung hindi mag-iisip ng masama kahit dalawa lang kayo naglalakad sa isang village sa dis oras ng gabi.

Hindi nagtagal napadako ang kwentuhan namin tungkol kay Tricia.

"Paano mo nga pala nakilala si Tricia? I mean paano nag-simula ang love story ninyo?"

He smiled at me. Those eyes, I didn't know but... I can see happiness in his eyes when I asked him about his girlfriend. (The fudge! I am jealous!)

"Bago naging kami ni Tricia, naging mag-bestfriends muna kami, halos 80 percent yata ng buhay ko kasama ko siya. Si Tricia na yata ang pinaka-mabuting tao na nakilala ko."

"Talaga? Magbestfriends kayo? Paano mo siya niligawan? Hindi ba complicated yun kasi nga magbestfriends kayo?"

"Hindi naman ako nanligaw, basta pagkagising ko isang araw ang tawag na niya sa akin mahal and eventually nagtapat siya sa akin, sabi niya mahal daw niya ako, mahal ko rin naman siya kaya we both agreed na kami na after niyang magtapat sakin."

"Wow! Grabe! Hanga naman ako sa lakas ng loob niya! I mean di ba dapat ikaw ang magtatapat dahil ikaw ang lalaki?"

"Hahaha yeah right, sabi niya kasi sawa na daw siyang tawagin akong best. Gusto na daw niya akong tawaging mahal."

I just realized that moment; Tricia is madly in-love with him, dahil doon parang nakokonsensya na tuloy ako. Parang ayoko ng ituloy yung pag-agaw ko kay Brice sa kanya.

Habang naglalakad kami I saw an amazing graffiti in a wall in one of the houses.

"Brice, ang ganda ng graffiti, tiganan mo ohh."

Medyo madilim kaya inilabas ko yung phone ko and I turned on the flashlight.

"Wow ang ganda naman!" Brice said.

Na-amaze din si Brice sa graffiti, nakapinta kasi sa pader ang larawan ng isang babae at isang lalaki, magkaharap sila at kita sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Bukod sa painting may nakita din akong nakasulat sa pader, parang message nung nag-pinta ng graffiti.

"May message pa yung nag-paint." I said and started to read the message in the wall.

Ito yung nakasulat sa wall:
Sana magustuhan mo Babe, ginawa ko itong graffiti na ito para lagi mo akong maalala.

"Ayyy ang sweet!!!" Sabi ko.

Mahal na mahal kita, balang araw magkikita din tayo.

"Ayyyy..."

Frederic Love Donna, yung nakalagay tapos sa dulo ng pangalan nila may infinity sign.

"Ay Putang-in..." muntik na akong mapa-mura dahil sa pagka-inis, buti nalang napigilan ko ang sarili ko...

Napatingin ako kay Brice, nagulat siya sa reaction ko.

"Sorry Brice, I didn't mean to, nabigla lang ako dahil sa nakita ko."

"Hindi ka naniniwala sa forever?" he asked.

"Hindi naman sa ganon pero... naiinis ako sa mga tao na nag-de-declare na panghabang-buhay na ang relasyon nila, yung iba nga diyan 10, 15, 25, 50, years ng kasal minsan naghihiwalay pa rin. What I meant to say is, patunayan muna nila na forever talaga ang pagmamahalan nila, hindi yung nangangako sila sa isa't-isa tapos pagdating ng araw sila rin ang sisira sa pangako nilang forever daw silang magsasama."

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon