Chapter 24

30 3 0
                                    

Chapter 24

Kinabukasan...

Agad kaming bumiyahe papuntang Manila ni kuya Stefan. Nagpaalam din ako kay Auntie Meg na mag-pupunta ako ng Manila, hindi ko na nagawang idetalye sa kanya ang mga pangyayari... Pag-uwi ko nalang sa San Ildefonso, saka ko na sasabihin kay Auntie Meghan ang lahat. I know she will be upset but I am ready to face my punishment. I know that I was wrong... Hindi tamang nagkunwari ako na pinagtangkaan ako ni Stefan... Nagalit siya dito dahil pinagmukha kong masamang tao si Stefan sa panigin niya. Kasalanan ko ito... pero ganoon pa man handa naman ako sa kaparusahan ni Auntie Meg sa akin.

"Miyuki... bakit ba tayo luluwas? Nandito na tayo sa EDSA, saan ba talaga tayo pupunta?"

"Malapit na tayo, basta mag-drive kal ang diyan, sigurado akong masusurpresa ka."

Ilang oras pa ang nakalipas at nakarating kami sa isang Condominium.

"Anong ginagawa natin sa condo? May unit ka ba dito?"

"Ako wala, pero yung kaibigan ko meron."

"Sino ba yung kaibigan mo na yun?"

"Kuya pwede ba? Relax kalang diyan ok?"

"Ok..." buntung-hininga ni Stefan.

We went to the elevator, agad kong pinindot ang 27th floor kung saan nandoon ang unit ni Claire.

"Kuya, dito ka muna sandali... ako muna ang papasok sa loob." Sabi ko kay Stefan at iniwan ko muna siya sandali sa labas ng elevator. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon ni Claire kapag nakita niyang kasama ko si Stefan sa pagbisita ko sa kanya.

"Sige..." tanging naging sagot ni Stefan.

Kumatok ako sa pinto ng unit ni Claire at agad akong pinagbuksan nito.

"Hi! Miyu, nice to see you again." Bati sa akin ni Claire saka ako nito niyakap.

"Hello! Claire, pasensya na ha, biglaan ang pagparito ko."

"Ok lang... sabi ko naman sayo basta may kailangan ka don't hesitate to call me. Nandito lang ako para tumulong. So ano nga ba ang dahilan at bigla kang napadalaw? May problema ba?"

"Well, medyo... may kasama kasi ako ngayon... gusto ko sana na makausap mo siya."

"Sino yung kasama mo? Saka nasaan siya?"

"Sandali lang tatawagin ko siya." Sabi ko saka ako nagpunta pabalik kay Kuya.

Samantala pumasok muna sa loob si Claire, iniwan niyang bukas ang pinto.

Pagpasok namin sa loob ng unit ay nakita kami ni Claire. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Tila nanginig ang kanyang mga kamay at naibagsak niya ang mga juice na dala niya na nakalagay sa tray.

"Anong ginagawa mo rito? Miyu magkakilala kayo ni Stefan?" galit na tanong ni Claire.

"Claire, para ko ng kapatid si kuya Stefan—" sabi ko pero bago pa man ako makapag-paliwanag ay nagsisigaw na sa galit si Claire.

"Kung ganon lumayas kayo dito! Layas!" sigaw ni Claire saka akma na lalapit siya sa telephone para tawagan ang mga guards sa lobby.

"No! Please let me explain!" awat naman ni Stefan kay Claire at pilit itong inilayo sa telephone.

"Mommy... Mommy..." sabi ni Gabby habang hinahanap ang ina. Marahil nagising ito dahil sa lakas ng sigawan namin.

"Gabby, Anak!" sabi naman ni Stefan na siyang-siya na muling makita ang kanyang anak.

MMM History and Other DetailsWhere stories live. Discover now