PROLOGUE

22.5K 397 30
                                    


Book Title: You Stole My Heart
Author: Henyoghurt

PROLOGUE
---------------------------------------------------------
Xandro's POV
---------------------------------------------------------

Naramdaman nyo na ba yung tinatawag nilang LOVE? Hindi yung pagmamahal sa magulang, kapatid o kaibigan ha, yung mas malalim pa don.

Yung tipong may isang tao kang parating iniisip, mula sa pagmulat ng mga mata mo sa umaga hanggang sa pagpikit nito sa gabi.

Yung maalala mo lang ang mga titig at ngiti nyang pagkatamis-tamis, napapatalon na lang sa tuwa ang puso mo.

Yung di matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi mo dahil may nasabi sya sayong isang salita na talaga namang nagpakilig sa buong pagkatao mo.

Kung ako ang tatanungin nyo, OO ang sagot ko

Actually, nararamdaman ko nga ngayon e. Right here, right now.

Nilingon ko ang lalaki sa kaliwa ko na himbing na himbing sa pagkakaidlip sa balikat ko.

Ang gwapo nya talaga. Moreno. Matangos ang ilong. Makinis ang mukha. Mamula-mula ang labi. At higit sa lahat, may kaakit-akit na mga mata, sayang lang tulog sya ngayon kaya di ko yan makikita.

Pero di naman yang mga pisikal na katangian nya ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko tong kumag na to

Ang bait lang kasi nya talaga e. Masipag mag-aral. Maalalahanin. Palagi nya pa kong binebaby. Hay. My sweet Troy.

Teka, nakapagpakilala na ba ko? Malamang di pa. Ako si Alessandro Keith Tejano. Call me Xandro. 17 years of legal age. May kaya naman yung pamilya namin. Di kami kinakapos sa pera. Meron akong sobrang mapagmahal na Mama at sobrang striktong Papa. Haha pero kahit ganun yun si Papa alam ko mahal ako nun. Lima kaming magkakapatid, pangatlo ko. Pero tsaka na lang ako magkekwento tungkol sa kanila ha? Gusto ko muna kasing sulitin tong moment namin ni Bogs e.

Sino nga ba si Bogs? Edi eto. Etong lalaki sa tabi ko. Etong bestfriend ko na minamahal ko ng sobra. Si Emannuel Troy Montecastro.

Hay.

Nasabi ko na bang ang saya ko ngayong araw? Well, di lang basta masaya, sobra sobrang nag-uumapaw na saya ang nararamdaman ko ngayon. Halos buong araw kami magkasama nitong lalaking to.

Kanina, sinundo nya ko sa classroom. Nagulat nga ko non e. Bigla-bigla na lang syang sumusulpot. Pero oo na, aaminin ko natuwa ako nang makita ko sya.

Tapos ayun, dinala nya ko sa mall. Kumain kami. Nagkaraoke hub. Kumain ulit. Binili nya ko ng pantalon.

Hay. Yung pantalon. Kainis talaga yung lalaking yon. May nakita kasi akong pantalon kanina, kulay black tapos maganda pagkakatabas. Matagal ko nang gustong bilhin yon kaso wala akong pera. Kaya nga ang saya-saya ko nung sinabi ni Bogs na bibilhin nya daw yon para sakin. Kaya ayun nagpunta kami saglit sa isang atm machine tapos pagkabalik namin may iba nang kumuha nung pantalon. Nabayaran na. Kaiyak e, kasi naman wala na raw natitirang stock na ganung pantalon. Kumag yung mang-aagaw na lalaking yun. So ang ending, ibang pantalon na lang binili ni Bogs.

Tapos nanood kami ng sine. Kumain ulit. Nag-arcade. Kumain ulit. Tapos eto, nakatambay kami ngayon sa bubong ng kotse nya. Nakatanaw sa mga nagkikinangang bituin sa kalangitan.

Gusto nyo bang malaman kung ano pinag-usapan namin? Nako wag na nakakahiya naman. Baka sabihin nyo ang dami ko nang kinekwento e di naman tayo close. Baka masabihan nyo pa ko na FC ako.

Pero dahil masaya ako ngayon, kahit di nyo gusto malaman, ikekwento ko na rin

-

"Bogs" pagtawag nya sakin. Bogs ang tawagan namin sa isa't isa. Yan ang palatandaan na bestfriends forever kami.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now