EPILOGUE

70.3K 2K 1.4K
                                    

(Note : For my ace, I will use Ren's POV for the first part and Rhea's POV on the last part. Fast phase.)


DEDICATED TO : CECILLE CONCEPCION CABALANG

EPILOGUE

Natapos ang ceremony na para akong tuod. I just stood there and watch. Hindi na ako nakigulo sa picture taking at pinanuod ko na lang si Dad na mukhang nag-e-enjoy sa harap ng camera. I'm still pissed. The old man has Cupid's blood. Nanatili ang tingin ko sa mga nasa altar nang biglang may kung anong tumama sa aking likod. Napalingon ako.

"Shai!"

Nakita ko si Rhea na hinampas sa braso si Shairell na tumatawa. Bigla niyang tinulak si Rhea at muntik na matumba. Kumunot ang noo ko at napahakbang ng wala sa loob. Natapakan ko ang bouquet na siyang tumama sa likod ko. Kinuha ko 'yon at lumingon kay Rhea. Mag-isa na lang siya at tila 'di mapakali.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya para iabot ang bulaklak. Napalunok siya at pinaglaruan ang kanyang daliri. Inabot niya agad 'yon nang makalapit ako.

"Sorry. Si Shai kasi biglang binato." Yumuko siya at inayos ang bulaklak,

Nilagay ko ang aking kamay sa bulsa ng coat ko. "That's a nice flower." And bad choice of words. Damn. Lahat ng salitang alam ko ay biglang umurong at hindi ko man lang mabigkas. Nablanko ako.

Tumitig siya sa akin at hindi ko nagawang mag-iwas ng tingin. Nothing much has change maliban sa buhok niyang mahaba na ngayon. Masmahaba kaysa nung huli ko siyang nakita.

"I. . ." Lumunok siya. Mukhang naubusan din siya ng sasabihin.

"Miss you." Bulong ko.

Umawang ang bibig niya at napasinghap. The words slipped out. Sa sobrang bilis ay hindi na ata dumaan 'yon sa utak ko. Ngumiti na lang ako at pinagmasdan kung paano nangamatis ang mukha niya.

"You're too fast. Hindi ba pwedeng kumustahin mo muna ako before you say that?" Alanganin niyang tugon na nagpatawa sa akin.

"We've never been good in sequence." Napatingin ako sa bagong kasal na hindi matapos-tapos sa pagpipicture. "And a day won't be enough for my questions."

Nang lingunin ko siya ulit ay nakakagat siya sa kanyang labi. Iniwasan kong tumingin ro'n dahil baka tuluyan akong mabaliw.

"I want us to talk but. . ." Kumunot ang noo niya. "Baka may magalit pag kinuha agad kita."

Nanlaki ang mata niya. "K-kukunin mo ako?"

Natawa ako. "I mean, pag sinama kita."

Napaiwas siya ng tingin. "Saan?"

Nagkibit-balikat ako. "Saan nga ba ang maganda?" Tinitigan ko siyang muli. "Wala bang magagalit?"

"I'm with Dad and my brothers-"

"Aside from them? Walang magagalit?" Paninigurado ko.

Umiling siya at parang naguluhan. "Maliban na lang kung ako ang magalit sa'yo."

Ngumuso ako para magpigil ng ngiti. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mabilis ang kanyang kamay para hilahin siya palabas ng simbahan. Nang lingunin ko siya ay nakatitig lang siya sa kamay naming magkahugpong at hindi ko na mapigilan ang ngiti ko.

"Tututol ka ba?" Napatingin siya sa akin.

"H-Ha?"

"Baka ayaw mong sumama? Papakawalan pa kita."

Hindi siya sumagot pero humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sa loob ng ilang taon, ngayon na lang ulit ako nakahinga nang maluwag. Yung maluwag na maluwag. Paglipas ng ilang segundo ay nagsalita siya.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon