CHAPTER 1 : GEORGE

91K 1.7K 701
                                    

CHAPTER 1 : GEORGE


Pinanuod ko ang sunod-sunod na pag-shoot ng mga bola sa net. Ang iba ay tumatama lang sa rim at sumasablay. Ang iba ay tsumatsamba. Karamihan ay talagang pasok.


Natigil ang mga players nang pumito ang kanilang coach. Do'n ako natauhan. Napahinga ako ng malalim sabay tayo sa kinauupuan ko. Tapos na ang try-out ng basketball kaya maaari na rin ako umalis.


Nang makalabas ako ng gymnasium, tumambad sa akin ang apat na malalaking building ng eskwelahang papasukan ko next semester. Di hamak na masmalaki at masmalawak ito kaysa sa dati kong university. Natatanaw ko ang soccer field mula sa kinatatayuan ko. Tahimik ang lugar at mangilan-ngilan palang ang nakikita kong estudyante. Summer pa rin naman at next month pa ang pasukan.


Huminga ako ng malalim. New school. Back to zero. Another adjustments. Mas okay na 'to kaysa naman ma-stuck ako sa isang bagay na hindi ko gusto. Kaka-enroll ko lang ngayong araw. Nang matapos ang orientation, pinatay ko ang nalalabing oras sa panunuod ng try-outs sa bago kong university.


Umupo ako sa bench at sandaling nagpahinga nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag ang kaibigan kong si Celine. Tumikhim ako bago sinagot 'yon.


"Hello?"


"George, nasa'n ka? Punta ka rito sa bahay."


Ilang sandali ang pinalipas ko bago sumagot. "Nag-enroll ako ngayong araw. Two hours pa ang byahe bago ako makauwi. Kung pupunta ako dyan, hapon na ako makakarating sa inyo."  Nag-indian sit ako sa bench. Gusto kong umupo ng ganito. Komportable ako.


"Nag-enroll ka na pala! Hindi mo man lang sinabi sa akin. Sana nagsabay na tayo."


Natigagal ako ng ilang segundo pagtapos ay napahinga ng malalim. "Lumipat ako ng school."


"What?" Gulat niyang sigaw sa kabilang linya na nagpangiwi sa akin.


"At nag-shift na rin ako ng course." Dagdag ko pa.


Narinig ko ang kanyang pagsinghap. "Binibiro mo ba ako, Georgia Rante?"


"Hindi." Lumunok ako. "Kukwentuhan kita pag-uwi ko. Bye."


Nagsasalita pa siya sa kabilang linya pero pinatay ko na 'yon. Pumikit ako ng mariin. Kailangan ko panindigan 'to kung ito talaga ang gusto ko. Paniguradong maraming magagalit sa akin dahil nagsayang ako ng pagkakataon, halaga at panahon. Kaya nga pinapalipas ko na lang ang oras ko rito. Ayoko pa umuwi sa bahay dahil alam kong masasabon lang ako.


Pinagpagan ko ang rubber shoes kong isang buwan ko na atang hindi nalilinisan. Ang dumi na pala. Dapat ingatan ko 'to. Wala pa akong pambili ng bago.


Tinaas ko ang aking binti at niyakap 'yon. Sinubsob ko ang ulo ko sa aking tuhod. Sitting here alone seems a wrong idea. Dapat pala talaga pinuntahan ko na lang si Celine para kahit papaano ay may kasama ako.  Pag ganitong mag-isa ako, kung anu-ano ang naiisip ko at puro problema lang naman 'yon. Samu't-saring problema tungkol sa sarili ko at sa mga tao sa paligid. Parang hindi 'yon matatapos at tila nadagdagan pa. Nakakadagdag rin talaga ng lungkot at pagkabugnot.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon