CHAPTER 29 : RUN

29.5K 1K 317
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : ISHI IGNACIO



CHAPTER 29 : RUN


"H-How did you know me?" Titig na titig ako sa kanya. Ba't kilala ako ng foreigner na 'to? Napausog ako palayo sa kanya at tumingin ulit sa paligid. Puti ang karamihan ng gamit. Bumaling muli ako sa kanya nang mapansin ko ang paggalaw niya. May kinuha sa kanyang jacket at binuksan 'yon. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong passport ko 'yon! Paano napunta sa kanya?


"Marval. Rhea Louisse. Celtier. Filipino. Manila City-" Inagaw ko agad 'yon sa kanya.


"How did you get this?" Pinanlakihan ko siya ng mata.


"Can't you just be thankful that a handsome man saved you instead of throwing impractical questions?" Ngumisi siya ulit at sumandal sa kanyang kinauupuan. Mapaglaro ang kanyang mga mata habang sinusuri ang mukha ko.


Nakanganga naman ako sa kanya dahil naubusan ata ako ng hangin sa kayabangang dala niya. Hinigop niya lahat. Hindi ako magtataka kung mamatay ako sa suffocation.


Tumayo siya at humalukipkip sa harap ko. "Are you staying here for vacation?"


"None of your biz, Mister. Now, who's asking 'impractical questions?'" Inirapan ko siya. Umalis ako ng kama. Suot ko pa naman ang suot ko kanina. Nawala lang ang sapatos ko. "Where's my things? Give it back." Nilibot ko ang aking paningin para hanapin ang mga bagahe ko. Hindi ko makita rito sa kwarto.


Inusog niya ang upuan sa tabi ng kama. Pinatong niya ang kanyang siko ro'n at pumangalumbaba. Binigyan ko siya ng wirdong tingin.


"Pretty." Sambit niya sabay ngisi ulit. Napatayo ako ng wala sa oras kasabay ng pamumula ng aking mukha. Kinuha ko ang unan bilang pandepensa at tinaas 'yon, akmang ibabato sa kanya. Baka masamang tao ang isang 'to. 


Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa unan pagtapos ay unti-unting tumaas ang kanyang labi hanggang sa humagalpak siya ng tawa. Umawang naman ang bibig ko. Is he sane?


Tinaas niya ang kanyang mga kamay na tila sumusuko ngunit patuloy pa rin sa pagtawa. "I surrender, Ma'am."


Binaba ko ang unan at pinakatitigan siyang mabuti. Have I seen him somewhere? Parang pamilyar siya pero hindi ko siya kilala. Siguro nga artista ang isang 'to. "Who are you?"


"I've already said my name. Pay me with a kiss before I repeat."


Dahil sa sinabi niya ay tuluyan kong naibato sa kanyang mukha ang unan. Tinakbo ko ang pintuan para tumakas. Agad namang bumukas 'yon at nauntog ako sa isang malapad na dibdib. Napadaing ako. Napahawak sa nasaktan kong ilong.


"Rhea?"


Napatingala ako nang marinig ang boses ni Kuya Rex. Nanlaki ang mata ko nang makitang siya nga ang kaharap ko.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon