CHAPTER 33 : NONE

27K 978 595
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : XIASY HOLIC



(Note : 4 years lang yung pananatili ni Rhea sa New Zealand, hindi 5 years. 3 years siya nag-aral ro'n at almost one year na silang break ni Ren sa present time. Sorry. Error 'yon. I sucked at math. Lol.)



CHAPTER 33 : NONE



Sinalubong niya ako ng yakap at halik sa pisngi. Parehas pa kaming natawa at pinalo ko siya sa balikat.


"Lookin' good." Komento niya sabay halukipkip at hagod ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "You really know how to handle yourself, huh?"


Nakasuot ako ng tie-dye open-shoulder dress at Faux Suede peep toe pumps na kulay black. Humalukipkip ako at nginisihan ko siya. "Took a lot of practice."


Inilingan niya lang ako at saka binalingan ang dala kong gamit. Tumaas ang kilay niya at tinuro ang maliit kong maleta. "'Yan lang ang dala mo?"


Ngumuso ako at tumango. "Yeah."


"Akala ko may balak kang magtagal rito? Pero ba't kakarampot lang 'tong gamit mo?"


"4 months lang ang binigay sa akin ng firm. Business naman ang pinunta ko rito. Baka nga mapaaga ang uwi ko kung hindi naman matutuloy."


Nagkibit-balikat siya at kinuha sa kamay ko ang aking dala pagtapos ay sinukbit ang braso ko sa kanya. "You should stay here a little longer. I thought you and Tito Robi had an agreement?"


"Hindi pa ako pumapayag. Sabi ko kay Papa, pag-iisipan ko. May trabaho akong naiwan sa New Zealand kaya hindi ako sigurado."


"I hope you change your mind. Maganda naman ang offer niya." Iginiya niya ako sa dala niyang Strada at pinagbuksan ng pinto. Umikot siya sa driver's seat. "Where to? Let's have brunch first? Gutom ka ba?"


"Yes, please." Nakangiti kong tugon sa kanya. Binuksan niya na ang makina at nilisan na namin ang airport. Pinakialam ko naman ang stereo ng sasakyan niya para may tugtog.


'Is your lover playing on your side? Said he loves you but he ain't got time. Here's the answer. Come and get it at a knocked down price. . .'


"Hey, nakauwi na ba si Artemis?"


Umiling si Coby. "Nasa Korea pa rin siya. She's getting married this year."


Nanlaki ang mata ko. "Really? Kanino?"


Natawa si Coby bago sinabi ang pangalan nito. "The guy is a member of a boy band. Sikat sa Korea. 2 years na sila ni Artemis pero dahil sikat nga yung lalaki, discreet ang relationship nila. Hanggang ngayon hindi pa niri-reveal."

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon