CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK

27.4K 873 341
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : Sofia Marie D. Ceballos

(Note : Don't mind my errors)

CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK

Official akong napasok sa team. Hindi mahirap makisama pero hindi naitago ng ilang players ang lamig at tabang dahil sa agarang pag-approve sa akin ni Coach Dren. Binalewala ko 'yon at maspinagtuunan ng pansin ang dapat kong iambag sa team. Alam kong pressured ang team captain dahil siya ang nagpasok sa akin. I don't feel the same level of pressure though.

"Hayaan mo na lang muna ang mga naririnig mo. Huwag mo na lang pansinin." Sabi ni Ervis sa akin.

Wala naman talaga akong naririnig pero hindi ako manhid para hindi mapansin ang sama ng loob nila.

"I think you have to prove yourself." Payo ni Kenedic Mortejo. Kahit papaano ay maayos ang trato niya sa akin. Tahimik lang ang isang 'to kaya hindi ko inakalang may masasabi rin siya.

What do I expect? Hindi naman lingid sa kaalaman ko na magkakaibigan ang mga nasa team at ako ang outsider.

"I will." Simple at maikli kong sagot. Iyon ang pinakamagandang gawin sa sitwasyon ngayon. Hindi na kailangang magpayabangan kung sino ang masmagaling. I just have to prove that I'm worth the spot.

Lahat ng lamig ay pansamantala lang. Hindi sila gano'n ka-pride para pairalin ang inggit. Hindi nagtagal ay unti-unti ko silang nakilala. Ang barrier sa pagitan ko at ng ibang players ay unti-unting nagiba.

"Okay ka na siguro sa amin?" Nakangising sabi ni Ervis bago ang shooting drill. Ngumisi ako pabalik.

"Hindi ko lang alam sa iba."

Napailing siya. "Nonsense. Wala na 'yon. Magkakaro'n ng team bonding before mag-opening. Gano'n lagi every year. Mahalaga ang team building kay Coach Dren."

Tumango ako. "I'll be there."

Natawa siya. "Natural. Kasama ka talaga ro'n. Bawal ang absent."

Napatingin si Ervis kay Kenedic at Natahaniel na nagtatawanan. Napailing ang team captain.

"Mga gago talaga. Pinagtitripan na naman si Manager."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa babaeng pinanlilisakan ng mata ang dalawang nagtatawanan. Hindi ko siya madalas na napapansin kahit hindi nawawala ang presensya niya sa practice. Alam kong mahalaga siya sa team pero parang hindi siya bagay sa trabaho niya.

"Wala bang makukuhang lalaking assistant ang Manager?"

Napalingon ulit sa akin si Ervis. "Ba't mo natanong?"

Nagkibit ako ng balikat. "Nagatataka lang ako kung ba't babae ang assistant. Don't get me wrong. I have nothing against Georgia but I think her job is not suitable for girls."

Bahagyang natawa si Ervis. "We actually have the same thought nung kunin siya ng Manager. But do not underestimate her, Ren. She's a good instructor. Pinapakinggan din namin siya. Kahit pa nga ba babae 'yan, napapasunod niya kami. Wala, eh. May pagkamaton rin kasi. Saka kahit hindi halata, may alam talaga siya sa basketball. Try mo iparinig sa kanya ang sinabi mo kanina at paniguradong raratratin ka no'n."

Muntik na akong matawa sa sinabi ni Ervis. Sakto namang lumingon sa amin si Georgia. Ngumiti na lang ako at nagdribble. Agad ring nagbawi ng tingin ang babae.

"Natunugan ata tayo." Pahabol ni Ervis habang nagshu-shoot.

"Ikaw lang." Sagot ko at nagshoot rin.

"Nakikinig ka naman kaya kasama ka." Naiiling nitong sagot. "Lately, napapansin kong stress 'yang si Manager. Dati, palaging mainit ang dugo niyan. Ngayon, medyo tumatahimik. That's weird."

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon