LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO

45.5K 1.5K 1.2K
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : LOUISE AEDRIENNE BOLLER

(Note : Skip read and you'll lost all the thrill. Le grabs a bowl of popcorn as I wait for comments. Thank you for reaching this far!)

LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO

Inalis ko ang salamin ko at pumikit ng ilang segundo. Kanina pa ako nasa harap ng laptop dahil sa dami ng trabahong kailangan kong tapusin sa araw na 'to. I missed two meals just to finish my daily load of work. Sandali akong tumayo at nag-inat. Pati likod ko ay nananakit na. Hinilot ko ang aking leeg. I have to finish this or else. . .

Napabuntong hininga ako at tinignan ang invitation na nasa mesa. Dad sent it through e-mail and I got it printed. Kinuha ko 'yon at binasa. Ilang beses ko na 'tong binasa mula pa nung unang araw na nakita ko ito. Finally, huh?

'Rhea Louisse Marval and Coby Ramirez Wedding'

Muli akong huminga nang malalim at nilapag 'yon sa mesa. Ilang taon na ba ang lumipas? Napatulala ako ng ilang sandali. Wala naman akong ibang magagawa kundi magbilang ng mga taon.

Muli kong sinuot ang salamin ko at bumalik sa pagtatrabaho. I am working under Tito San sa infrastructural company na pag-aari ng pamilya, hand in hand with my cousins who passed the training years ago. I'm one of the contractors. Hindi kasing taas ng posisyon ng mga pinsan ko dahil na rin sa kagustuhan ko mag-OJT sa isang university para magamit ko ang natapos ko sa Pilipinas at nag-aral ulit for another degree. I'm keeping myself busy. That's pretty obvious.

Ito rin kasi ang paraang alam ko para hindi masyado mag-isip. I'm coping up with a new environment and busy surroundings, hoping I could find the kind of pleasure that I want in life. The first year was hard that I almost give up but eventually, I got used to it. Normal na lang ang pagsasabay ng trabaho at pag-aaral. Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi ito.

Huminto ako nang makitang tumatawag si Dad. Napailing ako at tinitigan muna ang phone. Nakailang tawag na siya sa akin nitong nakaraang mga araw at sa iisang dahilan lang. Nag-alangan ako kung sasagutin ko ba o hindi. Sa huli ay dinampot ko rin 'yon at sinagot ang tawag.

"Dad."

"Are you busy? Ang tagal mo atang sumagot."

"I'm still working."

"Anong oras na ba dyan?" Napatingin ako sa orasan at do'n ko lang nakita na mag-a-alas onse na. "Working late? Nasa opisina ka pa?"

"Nasa bahay ako, Dad. Marami lang akong tinatapos ngayong gabi."

Sumandal ako sa swivel chair at pinaikot 'yon. This office was my Dad's. Nang pumayag akong magtrabaho sa kumpanya, binitiwan ni Dad ang pwesto niya. Iyon dapat ang papalitan ko pero masyadong mataas 'yon at mabigat ang responsibilidad. Isa sa mga pinsan ko ang pumalit at naglagay sa akin sa bagong posisyon. No hard feelings. Dad respects my decision, as well as Tito San.

"You're now a slave of your work, hijo. Bakit hindi mo man lang pagbigyan ang sarili mong makapag-relax? You haven't done that for years."

"I'm fine with this."

"Then, I'm not fine with that."

I chuckled. "Dad, I'm an adult now. Kung kailan ba tumanda na ako, saka mo ko isisipang rendahan?"

"I'm just being considerate. Natuwa ako nung nalaman kong magtatrabaho ka dyan pero hindi ko ata nagugustuhang wala man lang akong makukuhang apo sa'yo kundi mga papeles. Have mercy on me, son."

Natawa ako nang tuluyan. "I get it. You want me to get married. Don't you think it's too soon for that?"

"It's late. Mukhang nakalimutan mong umasa rin akong ikakasal ka kaagad patapos mong maka-graduate? Kung natuloy 'yon, 'di sana ay may apo na ako ngayon." Sandali akong natigilan. Sinegundahan pa niya 'yon ng isang tanong. "Are you coming to her wedding?"

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon