CHAPTER 76 : SICK

25K 921 556
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : DIAHNE HAZARENO

CHAPTER 76 : SICK

"Don't beg for it, Rhea."

Mariin kong bulong. If she begs for it, mas lalo ko lang siyang mabibigo dahil hindi ko talaga siya mapagbibigyan. I know what she wants. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay mapapaboran ko siya. Especially, now that I'm committed to someone.

"Is there no chance for us?" Sabi niya habang nasa dibdib ko siya. Humigpit ang hawak ko sa kanyang balikat at napilitan akong alisin ang kamay ko ro'n. Bumigat ang aking pahinga.

I never thought she would ask me this question. Nung araw na naghiwalay kami, nasaktan ako pero gaano man kabigat ang sakit na dinamdam ko nung mga panahon, kahit kailan hindi ko hiniling na magsisi siya sa ginawa niya. Ang hiniling ko ay sana maging masaya siya kapag wala na ako sa buhay niya ngunit nangyari lang 'yon pansamantala.

"Nawala na ba talaga kita?"

Pumikit ako at tumingala. "I was the one who lost you, Rhea. Gaano man kasakit, tinanggap ko. Your doubts took you away from me, and I lost the battle when you finally let go."

"And I regret it." Mahigpit niyang nilamukos ang polo ko at mas sumubsob pa sa aking dibdib. Nanginginig pa rin ang kanyang balikat ngunit pinipigilan niya na humikbi ng malakas.

"Don't." Mahina kong sagot na maski ako ay nag-alangan kung narinig niya. Isinandal ko ang aking ulo. Nang buksan ko ang mata ko ay nanlalabo na 'yon. It stings. "Someday, when you found the right person, you're going to be thankful of your decision back then."

"I believe I already found the right person and that person was the one I let go." Hinang-hina niyang sabi. "I can fight, Ren. Everybody wants me to fight. I just don't know how."

"I'm sorry. . ." For hurting you. For choosing myself over you. For saving the last chance for myself. For listening to other people. For trusting your sake to them and for hurting you even more. There's so many reasons for me to apologize and those are also the reason why I couldn't take you back. I would only hurt her more.

I would understand if she hated me after all the bad choices that I picked but she didn't. Here, she is. She chose to beg. She instantly remind me of myself back then. Siguro ay ganito rin ang naramdaman niya nung panahon na 'yon kung hindi niya ako mapagbigyan. Siguro, nung mga panahon na 'yon ay wala na rin siyang maramdaman. Lumagpas na sa ulo ko ang pagod at kahit gusto ng maliit na parte sa damdamin ko ay hindi ko na siya kayang pagbigyan.

Kailangan ko maging matatag sa desisyon ko para gano'n rin ang gawin niya. Kahit nakapanghihina ng loob ay hindi ko kayang maging mahina ngayong mahina rin siya. Kung anong mangyayari sa mga susunod na araw ay hindi ko na hawak ngayon.

Nang humina ang paghikbi niya ay marahan kong hinaplos ang kanyang likod. Nakasubsob pa rin siya sa dibdib ko ngunit hindi ko magawang tignan siya sa gano'ng ayos. Nang maging steady ang paghinga niya ay saka lang ako nakaramdam ng pangangalay. Dahan-dahan akong gumalaw at napagtanto kong nakatulog siya sa kaiiyak. Maingat ko siyang nilayo sa akin at hiniga sa kama.

Basang-basa ang polo ko ng luha niya. Nilibot ko ang aking paningin sa silid at kinuha ang jacket ko pagtapos ay kinumot iyon sa payat niyang katawan. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang basa niyang mukha bago pa matuyo iyon. Napahinto ako nang matitigan siyang mabuti. She'd grown into someone who's far from the Rhea I knew. Kasabay ng pagtanda namin ay isang malaking pagbabago. If I knew that this is going to happen to her, I would've prefer the childish and war-freak Rhea. But she's a lady now. She became a lady but a weak one. I wonder if she still remember the steps.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon