CHAPTER 73 : SELL

24.4K 811 349
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : JHOEMARIE VIDAL

CHAPTER 73 : SELL

Ilang minuto ko siyang yakap. Naamoy ko sa kanya ang alak at pabango. Hindi pamilyar ang amoy. Hindi tulad ng dati. Sa dami ng nagbago sa amin, naisip kong baka hindi ko na siya kilala. I hope she could remember me despite the pain that I inflicted on her. I hope she would keep our memories even in the darkest corner of her mind. 'Coz that's what I would surely do. Place her in my memory.

I'm done taking risks. Who says it's easy to fight for what we've already lost? Alam ko sa sarili ko na kayang-kaya ko siyang ipaglaban pero sobrang takot na ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya. Natatakot na akong masaktan ko na naman siya kung sakaling manatali pa ako nang masmatagal at magpakita sa kanya. Somehow, her brother is right. Kailangan niyang matutong maging matatag nang mag-isa dahil hindi sa lahat ng oras ay nandito ako o ang mga taong nagpapahalaga sa kanya para umalalay.

"Mapapatawad mo pa kaya ako?" Bulong ko. Hindi niya ako naririnig pero gusto ko ilabas kahit walang napapalang sagot. Malabo na ang paningin ko dahil sa luha kaya pumikit na lang.

"I'm sorry if I couldn't keep my promises." Sandali akong huminto dahil barang-bara na ang lalamunan ko. "I want you to be fine and I prefer you sane while living a normal life than have a mess life with me. I. . .I was the one who made you like this, right? I'm ready to pay for it. Maging maayos ka lang."

Ano ang silbi nito kung hindi siya naririnig? Pakunswelo ko sa sarili ko pagtapos ng ilang buwang pagtitiis? Siguro gano'n. I just have to release it all. This is gonna be my last time, right? Nilulubos ko lang. Pagtapos nito, hindi ko na naman alam kung saan ako pupulutin. Paniguradong malayo sa kanya.

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n ang lalaking pinakilala bilang Shinn.

"Your time is over." Malamig ngunit may kasamang panunuya ang boses niya.

Hindi ko siya pinakinggan. Hindi siya importante para pakinggan. Ni hindi ko nga siya kilala. Nakakainis man ang tila panunubok niya, wala na akong pakialam.

Tumayo ako sa kama at inayos ang kumot ni Rhea. Tinitigan ko pa siya nang ilang sandali bago ako tuluyang makalabas. Naninikip na naman ang dibdib ko ngunit hindi ako patuloy na iiyak lalo na't may estrangherong nakamasid. Bago pa ako nakalabas ng kwarto ay nagsalita siyang muli na sandaling nagpatigil sa akin.

"You see what you just lost? That's so stupid of you. Get lost. She got over you. She doesn't need you anymore."

Of course, I know that's a bluff. Hindi ata siya aware na sa aming dalawa, siya ang mukhang tanga sa sinabi niya. Ang akala siguro ng lalaki ay wala talaga akong alam sa mga nangyari. He's really disgusting but I think he thinks the same about me, so we're probably quits.

If he could really help Rhea, I would be forever grateful to him. But if he could make Rhea's trauma worse, this disgust would surely transform into hate. Para sa ikabubuti ni Rhea, masmagandang huwag na umabot pa ro'n.

Hindi ko pinatulan ang sinabi niya sa akin. Pag nagsalita ako, lalala lang ang sitwasyon. Nakapanghihina ang gabing 'to para sa akin at hindi ko sasayingin ang oras ko sa mapapel at sinungaling na tao. Tuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto at tinungo ang daan palabas ng bahay. Sa entrada ay nakahalukipkip si Kuya Roy at nakasandal sa pader. Tinanguan niya ako.

"Satisfied?" Bumalik siya sa malamig niyang aura.

I would never be satisfied by glancing but I have to nod. I don't have much choice as of now.

"Please, keep me updated 'til she's better. That's all I want to ask." Kapalit ng paglayo ko. Gusto ko malaman ang lahat. Kung epektibo ba ang gagawin kong paglayo. Kung hindi. . .

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon