CHAPTER 40 : YOURS

34.8K 1.2K 1.1K
                                    

#SAT9S


DEDICATED TO : JOY BORROMEO


CHAPTER 40 : YOURS


Lumingon siya sa akin. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata. Matagal siyang nakatingin sa akin at nagbibigay ito ng lamig sa aking damdamin. Natakot ako bigla sa kanyang isasagot. Napatikhim ako at umiwas ng tingin. Umatras ako at yumuko.

"Nevermind." Umupo ako ulit sa swivel chair. "Salamat. Ipahahatid ko na lang mamaya o bukas ng tanghali."

Nang umangat muli ang aking tingin sa kanya ay nakita ko siyang tumango. Lumabas siya ng pinto. Huminga ako nang malalim para tanggalin ang bara sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng panghihina. Panghihina na pamilyar sa akin. Naramdaman ko na ito dati at nangangamba ako na baka matagalan ulit bago ako maka-recover.

But again, he succeeded on making me feel unimportant. Yung pakiramdam na isa na lang akong alaalang hindi na dapat balikan. Isa na akong nakaraan na nagawa niyang kalimutan.

Ngunit bakit tila hindi ko 'yon magawa? Kung nagawa niya, bakit ako hindi? Di ba dapat ako yung masmalakas dahil ako yung unang bumitaw? Di ba dapat ako yung may lakas ng loob na sumbatan siya dahil ako yung unang kumawala? Ako dapat ang unang naka-move on. Ako dapat yung masmasaya ngayon. Pero bakit ganito? Ako yung nagsisisi. Puro na lang panghihinayang ang nararamdaman ko.

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mata. Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina. Gusto ko ulit maramdaman yung saya at pagmamahal na naibibigay niya sa akin nung kami pa. Gusto ko bumalik sa dati ang lahat. Kulang na lang ay tumakbo ako sa kanya at kumapit nang mahigpit sa kanyang katawan para maparamdam kong kailangan ko pa rin siya. Sayang.

Nasisiraan na siguro ako ng bait. Bumabaliktad na naman ang pananaw ko. Paano maibabalik sa dati ang lahat kung napakaduwag ko?

Napangiti ako nang mapait. Dati pa ako duwag. Kahit hindi pa ako nagbabago. Duwag akong aminin sa aking sarili na mahina ako at tinatago ko lang ang tunay na kong pagkatao sa pagiging maangas at siga. Then, I changed for him. I thought I could make him stay by improving my behavior, the way I think, dress, talk, and act. But it wasn't enough. Masakit isiping nagawa ko ngang ma-achieve 'yon pero wala naman siya sa akin. Nagreplay sa utak ko ang huling usapan namin sa New Zealand.

'Damn those changes, Rhea! I learned to love you in the hardest way! Wala akong pakialam kung ilang beses ka pang magbago. Ba't hindi mo kayang isugal lahat? Bakit kailangang mag-hesitate ka? Ako na lang ba ang nagmamahal?'

Sinubsob ko ang aking mukha sa aking palad. Yes, he didn't mind the changes. Hindi niya nga ako pinilit magbago. Ako yung may gusto dahil ayokong magkulang sa kanya pag nanatili ako sa dating ako. Kahit nung pinapractice palang namin ang steps. Naalala kong pinapahinto niya na ako nung panahon na sinagot ko siya. Na okay kang daw kahit huwag ko na ituloy pero nagpumilit ako at hindi naging maganda ang resulta sa huli. I end up retaining my old self. Nung araw na bumalik siya galing Spain, I didn't put too much pressure on my shoulders. Hindi ko inisip ang steps at hindi ko napansing unti-unti akong nagbago.

Nang magsimula ang away namin, sinundan niya ako sa New Zealand. Just now, I realized that immaturity had eaten me back then. Yet, he stayed. He stayed even when I kept on pushing him away. He tolerate my whims when I feel jealous. But I went too far on our last argument. Sinabi kong siya na lang ang nagmamahal. Siya na lang ang lumalaban.

I couldn't take back what I had said. Kung mararanasan ko ulit ang gano'ng klaseng sakit at pamamanhid ay nagsisiguro kong gano'n pa rin ang aking maisasagot. Wishing for a change is illogical 'coz I know that it's already impossible. Kahit humiling pa ako nang humiling ay walang mangyayari.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon