CHAPTER 37 : SITE

27.3K 1K 688
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : ALYSSA ZAFRA



CHAPTER 37 : SITE



Matagal akong nakatitig sa kanya pero hindi na siya ulit tumingin sa akin. Binuhat niya ang pusa at saka tumayo. Walang lingong umalis sa meeting roon.


Unti-unting nalusaw ang ngiti sa aking labi at napatitig sa pintuang nilabasan niya. Napahigpit ang yakap ko sa aking laptop.


Hindi maganda ang takbo ng usapan namin kanina pero nakalimutan ko 'yon nang ngumiti siya. Seeing his smile once again made me a little bit uneasy. Ngunit aaminin kong nakahahawa ang ngiting 'yon at hindi ko napigilang ngumiti rin.


Yet, I felt ignored. Nang tuloy-tuloy siyang umalis ay parang nawala ang saglit na sayang naramdaman ko nang ngumiti siya. Nakapanghihina.


Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na wala masyado akong nakitang pagbabago sa kanya. Ang kaisa-isahang pagbabagong napagtanto ko ay ang pakikitungo niya sa akin. Malamig at tila nagpapahiwatig na ayaw niya akong nandito. Kung hindi niya nakita ang draft ko ay natitiyak kong hindi niya ako susulyapan man lang. Pati ang pag-uusap namin ay halatang pilit. Hindi ko inakalang gano'ng klaseng usap ang mangyayari matapos ang isang taon naming paghihiwalay.


Bumalik ako ng opisina ko na medyo lutang ang pakiramdam. Gayon pa man ay pinilit ko pa ring magtrabaho. Pilit kong sinisiksik sa kailaliman ng utak ko ang nangyari kanina.


Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Papa na nagbabasa ng magazine. Humalik ako sa kanyang pisngi at nagulat siyang nasa tabi niya na ako.


"Hija." Ngumiti si Papa sa akin. Pagod na ngiti ang ginanti ko sa kanya bago umupo sa katabing silya.


"Hi, Pa. Ang aga mo ata ngayon?" Tinignan ko ang wristwatch ko. Alas singko ng hapon. Karaniwan ay ginagabi si Papa ng uwi galing trabaho.


"Maagang natapos kaya maaga rin ang pahinga ko. Kumusta ang trabaho mo?"


"Okay naman po." Tumuwid ako ng upo. "Sa susunod na araw, pupunta kaming site."


Tumango-tango si Papa at pinagmasdan akong mabuti. "May nangyari ba sa trabaho mo at parang matamlay ka ata?"


Muli akong ngumiti. "Pagod lang po ako, Pa."


Ilang sandali lang kaming nag-usap ni Papa at pinaakyat niya na ako sa kwarto para magpahinga. Ipagigising na lang daw niya ako pag dinner na.


Nag-shower ako at nagbihis ng pambahay bago dumapa sa kama. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Tinignan ko ang phone ko. May text ro'n galing kay Coby.


Coby : Busy? :)


Agad akong nagreply. Ilang araw na rin kaming hindi nakakapagkita nito dahil hectic ang sched ni Coby. Though, walang araw na hindi niya ako tinitext.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon