CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS

25.9K 857 170
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : MARIS DUMALI POLINAR

CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS

"Ren, sa'yo ang output, ha? Ipapasa daw sayo nina Carl mamayang uwian. Paki-edit pag may nakita kang mali. Bigay mo ro'n kay Rante pag okay na para siya na magprint tapos bigay niyo ulit sa akin. Ako ang magpapasa kay Sir. Rush 'yon. Hanggang 12 pm lang." Sabi sa akin ng isang ka-group ko sa project na siyang leader.

"Catherine, hindi ba pwedeng ako na lang magprint?" Protesta ko. "May gagawin kasi ako mamaya sa vacant ko. Pwedeng pagtapos na lang no'n?"

Inirapan ako ng lider. "Just once, Ren. Just this one. Hindi naman takaw-oras ang polishing. Thirty minutes lang ang kailangan para matapos 'yon. Ang dali na nga ng inyo."

Thirty minutes rin akong late sa usapan namin ng girlfriend ko? Tss. Pinigilan ko na lang magsalita ulit para hindi humaba ang usapan. Tumawa si Carl sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.

"High-blood 'yang si Yangco ngayon. Sundin mo na lang ang lider natin." Singit nito.

"Isa ka pa, Carl. Ren, dapat 'yan ang sisihin mo. Kung ginawa niya agad kahapon yung equations, di sana tayo nagrarush ngayon." Kontra pa ni Catherine. "Saka, wala ka namang gagawin mamaya, eh! Pupuntahan mo lang naman ang girlfriend mo. Sus. Masimportante pa ba ang landian?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung namemersonal siya o may hinanakit siya sa aming mga groupmates niya. Tinapik ulit ni Carl ang likod ko at sinenyasan na huwag na lang patulan ang babae.

"Tama na nga 'yan, Cath. Humuhugot ka lang ata, eh." Nagbiro si Carlos. Ako naman ay pumangalumbaba at nag-iisip kung paano ako makakabawi kay Rhea kapag na-late ako mamaya.

"Totoo naman 'yon, 'no! Lagi kong nakikita 'yang si Ren sa CS na kasama ang girlfriend niya tuwing vacant. Malamang 'yon din ang pupuntahan niya. Importante pa ba 'yon kaysa sa grades?"

Nag-iinit na ang tainga ko pero pinipigilan ko pa rin sumagot. Kung hindi lang babae ang isang 'to. . .

"Saka, polishing na nga lang ang gagawin, hindi pa magawa? My gosh. Buti sana kung napakalaki ng maiaambag."  This girl can't stop blabbering. Napailing na lang ako at hindi na napigilang sumabat.

"I can do the project alone. You were the one who assigned us tapos ngayon nagrereklamo ka na parang imbalance contribution ang nangyayari. And yes, you're right. I don't care if our group fails." Humalukipkip ako. "At hindi ko alam na may stalker pala ako."

"Ren, dude. Chill." Bulong ni Carl. Namula ang mukha ni Cath dahil sa sinabi ko.

College is pretty boring. 'Di hamak na masmaganda ang naranasan ko nung high school kaysa sa nararanasan ko ngayon. Iba't-ibang tao ang nakakasalamuha ko at kinababagutan ko ang oras pag nasa room. Halos hindi ko alam ang pangalan ng mga nagiging kaklase ko. Kilala ko sila sa mukha at makikilala ko sila sa pangalan kapag may mga group project tulad nito.

I don't have friends, though I consider acquaintances. Hindi ko naman kasi kailangan ng kaibigan sa university. I don't think it's necessary. Kontento ako sa atensyon na nakukuha ko kay Rhea.

"Dude, ito yung flashdrive." Binigay sa akin ni Carl ang i-e-edit ko. "Dapat hindi mo na pinatulan si Cath. Alam mo naman ang isang 'yon. May pagkabossy talaga."

"Magsosorry ako bukas." Huminga ako nang malalim. "Kanino ko nga ulit 'to ibibigay?"

"Kay Georgia Rante. Nando'n lang 'yon sa PE Department. Studeng assistant kasi 'yon. Puntahan mo na lang."

"Una na ako." Nagmamadali kong tinungo ang Computer Lab para matapos na agad. Tinext ko si Rhea na malilate ako.

"Damn." Usal ko habang binibilisan ang pagreview sa equations.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon