FOURTY FOUR

542 20 4
                                    

Duke stayed there until three in the afternoon. Nang magluto nga si Mama ng biruyang saging ay inalok niya pa ang binata. Ang akala ko ay magagalit sila at itataboy si Duke pero ang mama ko talaga, todo asikaso pa dito. Hindi naman niya siguro narinig na mayaman si Duke, hindi ba?

Isa pa ang magaling kong kapatid. Alam kong tapos na ang klase non pero hanggang ngayon ay hindi pa ito umuuwi. Malilintikan talaga yon sa akin kapag nakauwi na.

I looked at Duke. He was there in the living room playing with Lili. Nasa playpen nito ang bata at kasama si Duke na naroon, nakasalampak doon at kinakausap ang bata. Minsan ay hawak nito ang magkabilang kamay ni Lili at sinasamahan ito sa paglalakad-lakad doon.

Hindi pa kami tapos mag-usap. Nangungulit parin siya sa panliligaw sa akin, inililihis ko lang talaga ang usapan tungkol doon. I asked him about the things I missed, sina Lovy at ang kuya nito. Kung sa nagdaang taon ay wala ba siyang niligawan gayong wala na pala sila ni Patricia pagkatapos malaman ng totoong karelasyon nito ang tungkol sa pagbubuntis ng babae.

Duke was very detailed with the things I missed. He told me that Lovy is already married. Last year lang raw kinasal ang babae at ang kapatid naman nitong si Neon ay may sariling kompanya na raw. Sina Patricia naman ay magpapakasal na raw at madalas nga ay kay Duke naiiwan si Leehan.

Duke also told me what happened after I left. Patricia needed him because she still couldn't tell the father of her baby the things about her and Duke. Ang akala kasi ng babae ay magagalit si Duke at masasaktan. Nang malaman nga raw ni Patricia na mayroong siya, na may ibang babae din si Duke, doon kinailangan ng babae na makipag-usap ng masinsinan kay Duke at ayusin ang tungkol sa kanila.

Duke was only away because he was busy fixing the things between him and Patricia. Sadyang wala akong pasensya noon at masyadong malalim kung mag-isip kaya kung ano-ano ang pinaniwalaan ko.

Hindi niya masabi kung anong nangyari pagkatapos kong maglaho. Ang sinabi niya lang ay sinubukan niya akong hanapin, he also went to our old town but the rumors about me greeted him instead. Ang balita pa kasi sa amin noon ay hindi parin ako umuuwi, hindi rin naman kasi lumabas sa amin na dumalas ako kina mama ng palihim, hindi rin yon pinalabas nila mama.

Naghuhugas ako ng mga ginamit ni mama sa pagluluto at yong mga ginamit din naming mga plato. Pasulyap-sulyap lang ako kina Duke at Lili. Sina mama naman at tatay ay nasa tindahan na muli at doon na naglagi pagkatapos. Mukhang mamaya ako gigisahin ng dalawa. Ayaw lang nilang makita yon ni Duke.

Hmp. Bakit hindi rin nila gisahin ang lalaki? Aba, nagpasya itong manligaw sa akin!

I never blame Duke before. Hindi ako nagalit sa kaniya dahil ako ang may kasalanan sa lahat ng desisyon ko noon. Hindi rin naman ako nagsisi na nakilala ko siya.

I went back to them after finishing the dishes. "Hindi ka ba abala? Wala kang trabaho?"

Umangat ang tingin niya sa akin. "I can get a hold of my own time. The company will survive even If I'm not going to work for a day"

Umismid ako. Pumasok din ako sa playpen at agad na naglakad sa akin si Lili at kumandong sa aking hita. "Moma" she cutely mumbled.

Hinalikan ko naman ang tungki ng ilong nito. Then I glanced at Duke and saw him smiling at us. Tinaasan ko siya agad ng kaliwang kilay. Hindi naman siya natinag at mas ngumiti pa sa akin.

Parang noong nakaraan lang ay halos iwasan ko siya. Siya naman ay panay ang pagseseryoso pero nanatiling makulit.

The Duke I know doesn't talk that much. Well, when he only discuss something for me. Mas dumaldal siya ngayon at panay ang ngiti.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now