FIFTEEN

558 10 2
                                    

Ang sakit sa paa ng paglilibot namin sa isang mall. Ang lalaki ng mga mall nila dito sa Manila kumpara sa probinsiya namin. May dalawang lalaking nakasunod sa amin ni Lovy at sila ang nagbibitbit ng mga pinamili namin.

Ang bilis namin magkasundo ni Lovy. Isa din sa nagustuhuan ko sa kaniya ay hindi siya nagtatanong tungkol sa ugnayan namin ni Duke. Tila tinuturing niya din ako bilang amo niya. Isa ding rason kung bakit gusto ko siya ay dahil hindi niya ako hinuhusgahan sa tuwing nagiging ignorante ako sa isang bagay.

Tinuturuan niya din ako kung paano gawin ang mga bagay na halatang kuryoso ako tulad na lamang ng paggawa namin ng sarili naming inumin kanina. Sinamahan niya din ako sa isang salon para ipaayos ang buhok at mga kuko sa kamay at paa. Lagi niya rin akong tinatanong kung anong gusto kong subukan na pagkain. Pati sa arcade kanina ay sinamahan niya ako at pinauna na nga 'yong mga lalaking nakasunod lang sa amin kanina.

Feeling ko tuloy isa akong spoiled brat na kayang bilhin lahat ng mamahaling bagay dito sa mall na 'to.

"Gusto mo bang lumipat pa tayo ng iba pang mall para may mapagpilian kang iba?" Tanong sa akin ni Lovy nang nasa isang store na kami. Pumipili kasi ako ng mga damit doon.

Sa totoo lang ay marami na akong nabili na mga gamit pero wala na kasi kaming mapuntahan na iba kaya nagtingin-tingin lang ako dito. Wala na din naman akong balak na bumili pa. Pasimple lang akong tumitingin ng mga gamit na pwedeng ipadala kina mama.

"Hindi, ayus na ang mga binili ko. Hindi pa ba tayo uuwi?" Anong oras na din naman. Baka umuwi na si Duke dahil sabi niya ay bago ako kumain ng dinner ay pipilitin niyang umuwi.

Tumitig muna siya sandali sa akin na para bang sinusuri ako, ganoon naman siya kanina pero pagkatapos nun ay tatango na lang din siya sa akin. "Sige, sa entrance na tayo ng mall. Doon na tayo hihintayin ng driver"

Inakay na niya ako pagkatapos.

Nakabalik din naman kami agad sa condo at pinasok na lahat ng mga gamit na pinamili ko sa kwarto ko. 'Yong kwartong inayos naman ni Lovy ay maganda, interior designer pala siya, nabanggit niya 'yon sa akin kanina. Ang sabi pa niya sa akin ay nagtatrabaho siya noon sa kompanya ni Duke habang tinutulungan raw siya na makapagtapos ng college. Marami raw natutulungan na mag-aaral ang kompanyang pinapatakbo ni Duke at maging ang pamilya ng lalaki ay marami na din natulungan. May malalaking foundation raw ang mga ito na nilalabanan ang poverty, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa bansang Africa.

Alam ko na kung bakit ganoon nalang kabait sa akin si Duke, dahil naaawa din siya sa akin pero alam ko din naman na hindi basta-basta awa ang nararamdaman niya sa akin dahil kung awa lang ang nararamdaman niya tungo sa akin ay hindi siya mismo ang tutulong sa akin. Siguro ay kukuha siya ng isang tao na mag-aasikaso sa lahat ng kailangan ko at hindi niya ako sasabihan na makakasama niya ako lagi sa condo. Alam kong gusto din ako ni Duke, hindi niya lang 'yon maamin sa ngayon pero alam kong darating din kami doon.

"You really like the room?" Tanong sa akin ulit ni Lovy nang pumasok kami sa kwarto ko. May malawak na ngiti siya nang makita nanaman ang pagkamangha sa mga mata ko.

Ang galing niya sa propesyong nakuha niya. Pasok sa taste ko 'yong design ng kwarto dahil hindi naman ako ganoon kagusto sa makukulay. Purple ang paborito kong kulay kaya natuwa ako nang mabungaran kanina ang tema ng kwarto ko. Lavender ang halos makikita mo sa buong kwarto. Ang sarap sa mata dahil hindi ganoon karami ang dark color na nasa kwarto ko. Ang napiling kama din ni Lovy ay tinanong niya pa raw kay Duke kaya naman tuwang-tuwa ako nang malaman ko 'yon. Kahit na ganoon palang kaunti ang oras na magkakilala kami ni Duke ay tila alam na niya ang taste ko sa mga bagay.

"Duke texted me that he's on his way. Katatapos lang raw ng last meeting niya at sinabi niya saking sabay na raw kayo magdinner"

Tumango nalang ako kahit pa nga gusto kong ngumiti ng malapad dahil sa narinig. Alam kong busy si Duke pagdating sa trabaho niya. Hindi rin naman nagkulang si Lovy sa pagpapaalala sa akin ng mga bagay na 'yon. Alam kong mahalaga ako kay Duke ngayon kaya may karapatan naman siguro akong humingi ng maraming oras sa kaniya. Alam kong hindi niya ako matitiis sa parteng 'yon.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon