TEN

1.1K 18 1
                                    

Ang ganda ng sasakyang dala ngayon ni Duke, iba ito sa ginamit niya nang nakaraan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang ganda ng sasakyang dala ngayon ni Duke, iba ito sa ginamit niya nang nakaraan. Talagang mayaman siya, hindi ako nagkamali sa paglapit sa kaniya.

Nasa isa kong hita ang kamay ni Duke habang nagmamaneho siya. Madalas pa ang pagsulyap-sulyap niya sa akin.

Nakabukas ang bintanang nasa tabi ko at nakalagay doon ang dalawang kamay ko habang nakapatong naman doon ang aking baba.

Bumaling na ako kay Duke.

"Excited akong magpunta sa Manila, Duke" halata nga sa boses ko ang excitement.

Sumulyap siya sa akin at inalis niya ang isa niyang kamay sa aking hita upang guluhin ang aking buhok. "I know you will like it, but before that, we should tell your parents first"

Dinamba ako ng kaba doon. Kilala ko si mama at alam kong hindi papayag yun sa plano ko. Kung sasabihin ko namang mag-aaral ako ng kolehiyo sa tulong ni Duke ay alam kong pagdududahan naman niya ang lalaki. Masyadong advance pa naman mag-isip ang aking ina.

"Sige" sabi ko na lamang, saka na ako iisip ng pwede kong idahilan sa mga magulang ko.

Masyadong malayo ang daan pabalik sa aming baryo kaya naman nakatulog ako. Nagising na lamang ako sa mahihinang halik sa aking mukha.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at si Duke ang sumalubong sa akin. Nang mapansin ang aking pagkagising ay ngumiti siya sa akin.

"Nasa may bayan niyo na tayo" sabi niya, nasa may palengke na nga kami. Malayo-layo pa ang lalakarin ko pero pwede naman akong magmotorsiklo.

"Bababa na ako, bigyan mo ako ng pamasahe" makapal ang mukha kong sabi sa kaniya. Inilahad ko pa talaga ang aking palad sa harapan niya.

Wala namang sinabi doon si Duke, hindi nga lumitaw ang panghuhusga sa kaniya. E sa wala talaga akong pera, paano ba naman kasi at sumakay lang ako sa motorsiklo ni Jigs kanina.

Sinuri niya muna ang kaniyang wallet pero nang makitang walang barya o maliit na halaga doon ay nagpasya na lamang siyang iabot sa akin ang buong isang libo.

"May pamalit ba sila dito?"

Tumango ako kahit alam ko namang susungitan ako ng driver kapag buong isang libo ang ibabayad ko. Sayang kasi ang sukli doon lalo na at fifty pesos lang naman ang pamasahe ko.

"Gustuhin ko man na ihatid ka hanggang sa bahay niyo, pero ayokong malagay ka naman sa hindi magandang sitwasyon"

Napaismid ako sa kaniya. "Wala naman akong pakialam sa mga sinasabi ng mga tsismosa. Isa pa ay laman ako lagi ng tsismis nila" kinuha ko na ang iniaabot niya, pasimple pa akong napatingin sa kaniyang wallet. May kakapalan ang isang yun, napansin ko pa ang iilang mga cards na alam kong libo-libo ang laman. "Sige na, bababa na ako"

Hinila ako ni Duke nang magtangka akong lumabas na. Hahalikan lang pala niya ako. Nagtagal ang isang yun at wala talaga siyang balak na tumigil kung hindi ko lang siya itinulak dahil nga naubusan na ako ng hininga.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now