ONE

2K 24 1
                                    

Inalis ko ang marahas na tingin kay Loli, nakababata kong kapatid, nang pumasok si Mama sa aking kwarto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Inalis ko ang marahas na tingin kay Loli, nakababata kong kapatid, nang pumasok si Mama sa aking kwarto. Dumating kasi siya at dito nanaman tumambay. Ang sabi ko ay doon siya sa labas dahil magpi-picture ako ng mga bago kong biling kasuotan. Hindi yon alam ni mama, na bumili nanaman ako ng bagong palda at may takong na sapin sa paa kaya mabilis ko yon itinago sa kahon na nasa ilalim ng kama ko.

"Bakit nandito ka nanaman kasi" inis kong bulong sa kaniya.

"Maurice, Loli, halina kayo"

Sabay na umangat ang ulo naming magkapatid. Si Loli ang unang nagtungo sa tabi ni mama habang ako ay nagdadalawang isip pa. Alam ko naman kasi kung saan kami tutungo ngayon. May group prayer nanaman sila mama kasama ang iba naming kapitbahay. Marahil ay doon nanaman sila pupwesto sa bahay nila Dianne na ipinagmamayabang nito sa akin. Palibhasa kabit ang mama nito ng isa sa mga congressman sa lugar namin. Relihiyosong tao pero ganoon ang gawain.

Tiyak na sisiguraduhin kong mas magiging malaki ang bahay namin kapag nakahanap ako ng mayamang lalaki.

"Maurice, huwag mong sabihing maiiwan ka. Hindi pwede yon. Sige na at magbihis ka na. Isang oras o mahigit lang ang itatagal niyon. Kesa mag-aksaya ka ng oras sa cellphone mong wala ka namang kabutihang nalalaman. Nalalason lang ang utak niyo sa mga hindi kaaya-ayang nakikita niyo sa social media na yan!"

Tumayo ako. Isinuot ko na ang aking tsinelas dahil hindi talaga titigil si mama sa pagsasalita tungkol nanaman sa cellphone ko.

Kinuha ko ang maliit kong pouch sa itaas na cabinet. Lalagyan ko yon ng make up dahil alam kong yayayain nanaman kami ni mama na makikain sa bahay nila Jigs, yong gwapong anak ng isang teacher. May kaya sila Jigs dahil may sakahan din ang mama nito na minana pa nito sa lola ng binata.

"Magbihis ka ng mahabang pang-ibaba, Maurice! Ano ba namang yang suot mo!"

"Ma! Marami din namang nagdadasal na naka-short doon. Paano ba at-"

"Magbihis ka!"

"Hindi ako sasama kapag hindi ito ang suot ko"

Papaluin na sana ni Mama ang ulo ko pero may pagtitimpi niyang hinawakan ang kaniyang kamay at tumingin sa akin ng nagbababala. "Patawarin nawa ako ng Diyos"

Pasimple akong umirap pero kitang kita yon ni Loli na umiling lang sa akin at ikinaway ang daliri. Hindi naman niya ako magagawang isumbong.

Magkasabay na kaming naglalakad ni Loli sa likuran ni mama nang makasalubong namin sila Dianne at ang alipores nitong sina Jello at Chard, ayon nanaman siya at nagyayabang na ikinumpas ang bago niyang biling cellphone. Hula ko ay ang congressman ang bumili nun. Naiinis ako sa pagyayabang niya. Paano ba at makukuha ko din ang gusto ko sa buhay.

"Ate, nilulukob ka nanaman ng inggit mo"

"Pakialam mo ba" inis kong bulyaw sa aking kapatid.

Nang makarating kami sa bahay nila Dianne ay pumwesto ako sa tabi ni Jigs nang agad ko siyang makita. Ayokong maagaw to ni Dianne sa akin,ano. Nag-invest na ako ng pera sa lalaking to dahil sa mga gamit kong pampaganda.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now