TWENTY

461 7 1
                                    

Gumising ako kinabukasan ng maaga kahit pa nga hindi ako nakatulog ng maayos sa nagdaang gabi. Nagboblower ako nang buhok nang may kumatok. Namuo ang excitement sa aking puso at hinanda ko na ang pagsusungit ko sa akalaing si Duke yun pero sumunod ang boses ni Lovy sa pangatlong pagkatok nito.

"Miss Maurice? Ready na ang breakfast niyo at nakahanda narin ang mga gagamitin natin for our lesson today"

"Yes, Lov. I'm preparing now" ang sabi kasi ni Lovy sa akin ay dapat raw English ang isasagot ko sa kaniya sa tuwing kakausapin niya ako. Mula kahapon, pagkaalis ni Duke ay naging ganoon na nga ang pag-uusap namin. Naroon naman siya lagi sa tuwing nagkakamali ako. Iniwawasto niya ang mga pangungusap ko at ipinaliliwanag din ang mga mali ko.

Lumabas na din ako pagkatapos kong mag-ayos. Nakahanda na ang mga kagamitan namin sa may living room. May mahinang music din ang tumutugtog sa background. Hindi naman yun malakas kaya ayus lang. Mas nakakatulong nga yun sa akin. Mukhang alam naman yun ni Lovy.

Napansin niya ang pagkatamlay ko mula nang mag-umpisa kami hanggang sa oras na nga para sa lunch. Hindi naman siya nagtanong sa akin pero binibigyan niya ako ng mahabang oras sa pagsasagot. Mukhang pansin niya ang kawalan ko ng focus sa ginagawa.

"Answer this one. Magluluto ako ngayon para sa ating dalawa para panay ordered foods ang nakakain mo" bahagya siyang ngumiti sa akin.

"Thank you" mahina ko nalang na pasalamat sa kaniya.

Nagtungo na nga siya sa kusina at nagluto doon. Naging abala naman ako sa ginagawa ko.

Nakapagluto nga si Lovy para sa aming dalawa para sa lunch. Nagluto siya ng tinolang manok at nag-ayos ng mga pagkain doon dahil may dumating na groceries. Mukhang siya ang nag-online nun online. Iba talaga ang mayayaman, pwede silang kumuha ng taong gagawa ng lahat ng bagay para sa kanila.

Kumain kaming dalawa ni Lovy. Hanggang sa maghapon na ay walang pumasok na Duke sa condo nito. Alam kong pansin ni Lovy ang pasulyap-sulyap ko sa pintuan ng condo at pagkadismaya ko sa tuwing nananatiling nakasarado yun.

Umorder lang si Lovy ng pagkain para sa aming meryenda. Mag-aalas syete na nang magpaalam si Lovy sa akin. May aaralin pa raw kasi itong design.

Naiwan ako sa condo at napatitig sa kabuuan nun. Kompleto sa gamit ang condo ni Duke. Mula sa kusina, sa living room hanggang sa mga kwarto. May office siya doon at naroon din ang iba kong kagamitan. Ako lang talaga ang nagsuggest kay Lovy na sa living room nalang kami dahil wala naman si Duke sa office niya para doon ako mag-aral. Gusto ko ay naroon siya kapag mag-aaral kami.

Napatingin ako sa kwarto niya. Nagmessage ako sa kaniya kanina. Hindi ko na rin natiis kahit pa nga nagtatampo ako sa kaniya. Wala naman siyang naging tugon sa mga tanong ko kung uuwi ba siya ngayon.

Sinabihan ako ni Lovy kanina na baka abala nga raw ang lalaki sa opisina lalo na at may bago itong gusaling itinatayo.

Naligo ako ulit at nag-ayos na sa pagtulog. Sinuot ko ang isang terno ng cream velvet na sleepwear at naglagay narin ng skin care.

Nakahiga na ako sa aking kama, nakatingala sa kisame. Iniisip kung tatawagan ko ba ang kapatid ko o si Duke ang susubukan kong tawagan. Sa huli ay nagpadala ako ng friend request sa kapatid ko, mukhang hindi niya pa nakikita dahil ilang minuto na akong naghintay sa pagconfirm niya doon.

Wala akong magawa kahit pa nga may cellphone na ako ngayon, ibang mga gadgets o malaking TV sa living room.

I feel alone. Binalot ng lungkot ang dibdib ko.

Tumagilid ako sa pagkakahiga at inabot ang cellphone doon. Tiningnan ko ang message ko kay Duke doon na hindi ko alam kung nabasa na ba niya.

To Duke:

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon