FIVE

1.2K 24 1
                                    

Para akong nililipad habang sakop-sakop parin ni Duke ang labi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Para akong nililipad habang sakop-sakop parin ni Duke ang labi ko. Parang siya lang ang nakikita at nararamdaman ko nang mga oras na yun. Talagang dinuyan na siya ng pagnanasa sa akin na inaasahan at gustong-gusto ko naman.

"Ahhh!" napaungol ako ng pasigaw nang kagatin niya ang ibabang labi ko pagkatapos ay hinila niya yun na may panggigigil.

"You made me do this—fck!" Inis siyang lumayo sa akin kaya napahabol ako sa kaniyang labi dahil doon.

Ginulo niya ang kaniyang buhok at parang punong-puno ng prustrasyon ang kaniyang mga mata nang mga sandaling yun.

"Hindi ba ako marunong humalik?" Tanong ko sa kaniya, may pangamba na marahil ay dahil sa paraan ng paghalik ko sa kaniya pabalik nagalit si Duke.

Hinawakan ko ang kamay ni Duke nang hindi niya ako pinansin at marahas ang pagkakahawi niya nun na para bang napapaso siya. Sumama tuloy ang tingin ko sa kaniya.

"Ikaw ang nanghahalik nalang bigla, tapos ikaw ang nagagalit?" Inis kong untag sa kaniya.

Sumeryoso nanaman ang mukha ni Duke nang dahil doon. Nang bumaba ang kaniyang mata sa aking hita ay marahas ang pagbuga niya nang hininga at basta-basta na lamang ako hinila pataas.

Ang sunod ko na lamang namalayan ay ang pag-upo ko sa kaniyang hita. Nakabuka ako sa harapan niya at ramdam na ramdam ko ang matigas na sandata niya sa mismong tapat ng pagkababae ko.

Nanonood naman ako ng mga palabas na may matured content at nagbabasa din ako ng mga pocket book na naglalaman ng mga makamundong bagay din, kaya naman hindi ako ganoon kaboba sa ganitong bagay. Kahit pa nga wala akong experience sa ganitong bagay ay maalam naman ako at hindi ako nagkulang sa impormasyon pagdating sa pakikipagtalik.

"Fck, Maurice. You could be the death of me but I have to do this" pagkatapos niyang sabihin yun ay muli nanamang sumakop ang kaniyang labi sa akin.

Marahas ang pagsipsip at paghalik ni Duke sa labi ko nung una pero naging dahan-dahan yun nang pumatong ang mga palad ko sa kaniyang balikat. Napakapit ako doon ng mahigpit.

Gusto kong maramdaman ang kaniya sa akin kaya naman umusog ako ng kaunti. Ang pag-usog kong yun sa kaniya ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin lalo na nang magtama ang aming kaselanan kahit pa nga may mga damit parin kaming suot. Mukhang ganoon din naman ang naging epekto kay Duke.

Lumapat ang isa niyang kamay sa gilid ng aking hita habang patuloy parin kaming naghahalikan. Ang sarap-sarap niyang humalik. Pumisil ang kamay niya sa hita ko bago yun pumasok sa suot kong damit at nanatili yun sa aking beywang.

Pumisil muna doon si Duke bago niya ako senyasan na gumalaw. Ginawa ko naman ang gusto niya at parang idinuyan ako nang pagnanasa nang umungol siya sa pagitan naming dalawa.

"Ah, Fck, Maurice!" Aniya pa na nasabayan ko naman ng mahinang ungol. Hihinto kami sa pakikipaghalikan para ilabas ang ungol namin pagkatapos ay babalik din ang labi namin sa isa't isa.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon