TWENTY NINE

351 6 1
                                    

Drain na drain ako nang sumakay ako sasakyan ni Lovy. Gamit niya ang isang sasakyang hindi ko pa nakikita. Mukhang sa kaniya ang isang ito. Siya ang nagmamaneho habang may kausap siya sa kaniyang cellphone na nakaconnect sa Bluetooth earpiece niya.

"How's school?" Pagkuwan ay tanong niya.

"Okay lang naman. Enjoyable ang first day"

"That's good to hear"

I was scrolling the group chat we have for our block. Napasimangot ako nang makita ko ang announcement nila doon na event uniform ang pwede suotin and we can wear casual attires for this day singe it's only for the welcoming ceremony.

Dala ko pa naman din ang notes ko at ipad.

Hindi ko na yon pinuna kay Lovy. Alam ko din namang hindi niya marahil napansin at hindi naman niya talaga kasalanan yon. Maybe it's also indicated in the announcement but I'm too lazy to read the whole announcement.

"Did you make friends?"

Tumango ako. May dalawa naman akong nakilala. Si Stan ang isa at ang isa naman ay si Dustin. He's a she. Kasama ko siya sa section na kinalalagyan ko. Siya yong nagrequest sa akin sa Facebook account at nag-add sa akin sa group chat namin doon. Noon ko lang naman na siya pala ang humahawak sa buong class at nagdidistribute ng announcement sa buong klase.

From Stanlee:

Where are you?

From Stanlee:

You should come with me and try the booths. Don't let this day passed by without trying them all.

Umikot ang mata ko. Ang kulit din ng isang ito. Kanina ay sinamahan na namin siya ni Dustine para sumubok ng sweets. Uminom kaming tatlo ng coffee, nagtry ng macaroons at 'yong smoking icecream raw. Gusto niya din pumasok kami sa booth ng mga medical students at i-try ang booth nila, isa yong mini cinema. Alam kong connected din naman ang panonoorin sa program na med.

To Stan:

Umuwi na ako. Sinundo na ako.

Nagreply pa siya pagkaseen niya ng message ko. Hinayaan ko nalang ang message niya at wala akong oras sa kakulitan niya. Pagod ako at ang gusto ko nalang muna ngayon ay ang makauwi at mayakap si Duke.

I texted Duke instead.

To Duke:

Uuwi ka ba?

Wala siyang naging reply doon. Siguro ay abala pa siya sa kaniyang trabaho.

Hindi na rin naman nagsalita pa ulit si Lovy hanggang sa makarating kami sa condo ni Duke. Bumaba ako at maging si Lovy. Kailangan niya raw kasing lagyan ng supplies ang cupboards sa condo. Mayroon pala siyang dalang groceries kaya tinulungan ko na siyang magbitbit sa mga yon kahit na ayaw niyang pumayag nung una.

I went straight to my room after I helped her get the groceries to the cupboards and refrigerator. Naglinis ako ng katawan at nagpalit sa aking satin sleepwear.  Hinayaan kong basa ang aking buhok at nagpabango pa.

I went out of my room again and noticed Lovy cooking food. Nalaglag ang aking balikat dahil doon. Isa lang ang dahilan kung bakit kahit anong oras na ay hindi pa siya umuuwi.

Ayokong magtanong kanina sa kaniya dahil sigurado naman akong uuwi na si Duke ngayon pero...

"Hindi siya uuwi?" Umupo ako sa kitchen stool doon.

Lumingon si Lovy sa akin. Tila nagulat sa tanong ko.

"Hindi ko alam. Mr. Herrera didn't tell me anything. I also don't know his schedule for this day. Si kuya ang may hawak ng schedules niya. He's the secretary. I was only told to pick you up and stay here for a while. Uuwi din ako mamaya pagka-matutulog ka na"

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon