THIRTY

415 8 0
                                    

We went to the mall after breakfast. Babawi raw si Duke kaya naman hinayaan ko na siya. Naligo lang siya at nag-ayos, pagkatapos ay umalis na kami.

Lulan kami ngayon ng kaniyang sasakyan. He was the one driving, syempre, alangan naman na ako. He was asking me about my first day at school kaya naman sinasabi ko lahat ng nangyari sa akin sa eskwelahan.

"Dustin is the one who added me to the group chat. Si Stan naman yong nagtour din sa akin sa school field at nag-inform sa akin about sa ibang rules and regulations ng school. He's part of the—"

"Stan? Who's this guy? Is he like Dustin?"

Umiling ako. Nabanggit ko kasing binabae ang lalaki. "Stan is straight—"

"Talk only with Dustin. I don't trust this Stan" dumiin ang kapit niya sa steering wheel. His jaw clenched, trying to hide his anger.

"Oh, bakit ka galit? Lovy told me to make friends. Ginawa ko naman" I crossed my arms in my chest. Ayaw magpatalo sa kaniya.

"Yes, with girls. Not like that Stan. Dustin is fine but not Stan" kanina niya pa dinidiin ang pagkakasabi niya sa pangalan ni Stan.

"Stan is kind naman. He help—"

"You can talk to Dustin. Siya naman ang kaklase mo, hindi ba?"

"Teka, bakit ba parang galit ka?!" Bumaling ako sa kaniya. "Galit ka ba kay Stan? Hindi pa nga kayo nagmemeet..." nahinto ako. "Nagseselos ka ba kay Stan?" Napangisi na ako ngayon. Kung kanina ay sinasabayan ko ang inis niya, ngayon naman ay ngumisi-ngisi na ako.

Sinulyapan niya ako na nagsusungit. Natawa na ako. "Stan is just a guy friend. Makulit lang talaga siya pero hindi naman ako magkakagusto doon. Ikaw kaya ang pinakagwapo sa paningin ko"

"He's makulit because he likes you"

Ay ang conyo naman ng gwapong ito. Hindi niya manlang pinansin yong huli kong sinabi. "Sige, hindi ko na kakausapin yon"

"You better" hinuli niya ang kamay kong nasa aking hita at hinawakan yon. He squeezed my hand and put it on his lips after. "You can ask me if you have school works. Lovy is also there. I'm thinking of getting you a private tutor that will help you with your chosen program. I'll tell Lovy to look for it"

Napanguso ako. Okay naman na ako kay Lovy at sa kaniya. "Okay na si Lovy. Marami naman akong natututunan mula sa kaniya"

"You still need someone who really expertised your course. I want someone who will also teach you how to talk professionally—"

Sinimangutan ko siya. Inagaw ko ang kamay ko na hawak parin niya at pinagkrus ang mga kamay ko sa aking dibdib. "Teka, maayos naman ako magsalita, ha. Ikaw ha. Akala ko ba hindi moko hinuhusgahan sa pagkilos ko at pananalita ko?"

Duke sighed and slightly shook his head. "You misinterpreted it. I'm not judging you with the way you act and talk, those are also the reason why I like you. Just one sarcastic comment from you gives me reason to smile"

Ang pagsusungit ko ay lumipad dahil sa sinabi niya. Kinikilig ako. Ngumiti na ako sa kaniya at lumuwag ang pagkakakrus ng mga kamay ko sa dibdib.

"I love the way you talk and move. I just want you to know more things. I want you to learn because it is also for your own good. It will help you in the future"

Bumuga ako ng hininga at mahina na lamang na tumango pagkatapos. "Fine"

Tama siya. Isa pa ay naisip ko na din ang bagay na yon. His wife knows how to be classy and elegant. She's the definition of brain and beauty. I read some articles about her and she's from a known college school. She also studied in states when she was in high school. Galing siya sa mayamang pamilya kaya kabila-kabila ang mga litrato ng babae sa mga pagdiriwang.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now