FOURTY ONE

489 20 4
                                    

"Thank you for joing us today. All of these won't be possible without all of you. Once again, thank you for attending the grand opening of Mo Reece'. Please, enjoy the party"

Kasama ko si Jaydee sa lamesa. Walang mga upuan at tanging nga matataas na lamesa lang ang naroon. Yong party talaga ng mga mayayaman. Nasa ibang lamesa naman si Mayor at kasama halos ang kilalang personalidad doon. I know that that's also his opportunity to gain sponsors with his projects.

That's the name of his resort? Katunog ng aking pangalan pero hindi akalang yon ang pagbanggit doon nang makita ko ang pangalang yon na nakaukit sa harapat ng resort. I never thought that he would use that kind of name. It sounded like mine. Magkaiba lang ang spelling.

Hindi ko alam kung alam niyang naroon ako. Hindi kasi nagkasalubong ang mga mata naming dalawa kanina. Maybe, he didn't really look at me purposely. I saw his son. Magkasing edad lang sila ng baby Lili ko. Kung nabuntis man ako noon ni Duke, baka siguro ay ganoong laki na din ang anak namin.

I thought of that a lot of times. We sometimes don't use protection so it has a tendency of getting me pregnant. Siguro ay hindi yon pinaburan ng tadhana dahil nga mali naman ang relasyon naming dalawa ni Duke noon.

"Pinangkuha na kita ng pagkain" inilapag ni Jaydee ang pagkain sa aming lamesa. Maliit naman akong ngumiti sa kaniya. "Bakit ba ayaw mong pumunta doon? Para sana makapili ka ng gusto mo. Basta nalang ako kumuha ng pagkain"

Tiningnan ko ang mga naroon. Iba ibang pinggan yon at iba iba ang pagkain sa bawat pinggan. Pinangkuha niya rin ako noong parang yogurt na nasa wine glass. May cherry yon sa itaas.

"Salamat, Dee" ngumiti ako sa kaniya.

Wala akong ganang kumain. Nakahawak lang ang kamay ko sa kutsara at walang balak galawin manlang ang pagkain doon. Mukhang napansin yon ni Jaydee. He was about to point that out when a man spoke behind me.

"You don't like the foods?" Seryoso ang boses niya, yong tono na nakakatakot biruin.

"Mr. Herrera" tumayo si Jaydee kaya naman tumayo din ako. Bahagya akong yumuko bago nagtaas ng tingin sa kaniya.

Ang gwapo niya. Hindi parin kumukupas ang kagwapuhan niya at kapag ganito siya kalapit sa akin, parang gusto ko nalang kastiguhin ang sarili ko dahil sa kulang nalang ay maglaway ako sa harapan niya.

"You don't like the food?" He ignored Jaydee's presence and he was only looking at me.

Tinamaan naman ako agad ng hiya dahil doon. Tumingin ako kay Jaydee upang i-check ang reaksyon niya at kita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa naging akto ng lalaki.

Naging tabingi ang pagngiti ko at mahinang tumawa upang alisin ang tensyon. "G-gusto ko po, Mr. Herrera. M-masasarap po ang mga pagkain niyo dito"

Seryoso parin siya. Maging ang katabi kong si Jaydee ay mukhang nakahalata at ngayon ay hindi na magawang magsalita. Mukhang nag-iisip parin ang lalaki.

Nakakagulat naman kasi siya. Bakit ba bigla-bigla nalang siyang sumusulpot. Kung umiinom lang ako kanina ay baka nabuga ko na ang laman ng bibig ko. Ang akala ko ba ay hindi na niya ako papansinin? Ilang araw siyang walang pakita sa akin, ha, pagkatapos ay bigla siyang lalapit dito sa lamesa namin samantalang kanina pa siya hinihintay sa lamesa nila Mayor.

He was too busy with some known personality and I noticed the table that the mayors are occupying, they were all waiting for him.

Hindi ko inasahang dito siya dadaretso sa amin.

Mas lalo akong napayuko nang mapansin ang magpukol ng mga mata sa lamesa namin. They were all looking at Duke then me. I could sense the curiosity in their eyes. Maybe they were already asking if who I am.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now