EIGHTEEN

542 13 1
                                    

Napakapit ako sa balikat ni Duke kasabay ng kusang paglabas ng ungol ko kahit pa nga halik-halik niya pa ako. Ang kamay niyang nasa beywang ko ay bahagyang pumisil doon. Ramdam ko ang pag-udyok ng kaniyang dila sa labi ko kaya naman pinaunlakan ko yun. Malambing na ngayon ang bawat hagod ng kaniyang labi sa akin, nagbigay yun ng kakaibang pakiramdam sa aking puso. Ang kaninang sabik niyang halik ay naging bayanad na.

Umangat ang kaniyang mga kamay na haplos ang aking magkabilang beywang kanina. Umakyat ang mga yun sa gilid ng aking tiyan hanggang sa marating ng mga yun ang nais, ang aking mga dibdib. Naramdaman ko ang pag-ngisi ni Duke nang sandaling maghiwalay ang aming mga labi, habol-habol ang hininga.

Kaunting umangat ang tingin ko sa kaniya.

"They are perfect"

"Aba syempre"

Ngumisi ako sa kaniya. Proud sa sarili dahil sa kaniyang papuri. Kusang kumawala ang ungol sa aking labi nang tuluyang pumisil ang mga kamay ni Duke sa mga yun. Tila ramdam ko na ang init ng mga palad ni Duke kahit na naroon parin naman ang telang sagabal sa mga balat namin.

"Let's remove this" bumaba ang mga kamay ni Duke sa hem ng aking suot na damit. Nakangisi kaming dalawa sa isa't isa habang mabagal niyang itinataas yun.

"Ang tagal naman niyan. Halikan mo ako ulit"

Mahinang umiling si Duke kasabay ang kaniyang panlalaking tawa. "My impatient girl" saka niya sinugod muli ng halik ang labi ko. Parang hindi kami kinakapos ng hininga o napapagod manlang sa kanina pa naming halikan. Sandali lang kami titigil upang humigop ng hangin pagkatapos ay babalik din naman sa halikan.

Tuluyang naghiwalay ang aming mga labi nang dumaan na sa aking braso paitaas ang suot kong damit. Nagtungo sa aking likuran ang kaniyang mga kamay at ekspertong inalis ang hook ng aking bra. Nalaglag yun kaya naman lantad na lantad na sa kaniyang mga mata ang malulusog kong hinaharap ngayon. Nagsalubong ang tingin naming dalawa ni Duke at basang-basa ko ang pagsayaw ng apoy sa kaniyang mga mata. Binasa ng kaniyang dila ang ibabang labi niya at saka ngumiti sa akin, tuluyang tinitigan ang hantad ko ng dibdib.

"Ang tagal, Duke" reklamo ko nang ilang segundo lamang siyang naroon, nakatitig lang.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay sumalubong ang kaniyang mga labi sa akin para sa panibago muling halik, mas lalong mainit ngayon. Ramdam ko ang pagkasabik doon na siyang nagpatalon naman ng kung anong insekto sa aking tiyan. Bumaba ang kaniyang kamay sa aking beywang at ang isa naman ay sinakop ang aking pang-upo.

Tumayo si Duke, sakop-sakop parin ang labi ko. Niyakap naman ng akong mga braso ang kaniyang leeg at sumabunot ng bahagya ang aking kamay sa kaniyang buhok dahil sa pagkabigla. Pumikit ako at mas lalong dinama ang halikan namin kaya hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa aking kwarto. Napansin ko nalang at bahagyang pagsarado niya sa pinto, walang pakialam na mabuksan yun ng kung sino mang pwedeng mang-istorbo.

Dahan-dahan ang paglapag niya sa akin sa ibabaw ng kama. Humiwalay siya sandali kaya naiwan naman akong nakahiga doon, pinanood ko ang suwabeng paghila niya sa kaniyang suot na pang-itaas mula sa kaniyang batok. Ang akala ko ay tuluyan siyang papatong sa akin ngunit may kung ano siyang kinuha sa kaniyang bulsa at alam ko na agad kung ano yun.

"Teka, bakit may nakahanda ka—" ngunit naputol ang aking pagtatanong nang kagatin niya yun at saka ang paghawak niya sa kaniyang belt. Namuo ang antisipasyon sa aking dibdib at parang malalagutan ako ng hininga habang hinihintay siyang maalis yun. Kinalas niya ang kaniyang belt at sinunod niya ang kaniyang pantalon.

Ang laki ng kaniya! Oo, nanonood ako ng porn videos pero ngayon lang ako nakakita ng ganoon sa personal. Bumuka ng kaunti ang aking bibig dahil sa gulat. Totoong nagulat ako at napatanong sa sarili kung kakayanin ko ba talaga yun. Kinuha ni Duke ang kagat niyang pakete at binuksan yun.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now