SIXTEEN

592 12 2
                                    

Nagising ako sa mga bisig ni Duke. Ang pagtangka niyang turuan ako sa pagbili online ay naantala dahil nga sa mainit naming halikan kagabi. Ang akala ko naman ay magagawa kong akitin siya at sa wakas ay angkinin na ako, ngunit hindi yun nangyari. Nagyakapan lang kami magdamag at naging sunod-sunod ang mga tanong niya sa akin. Ang plano din niyang magtrabaho kagabi ay hindi din nangyari dahil ayaw na nga niyang humiwalay sa akin. Nawala kahit papaano ang kaisipan kong hindi ganoon kalakas ang epekto ko sa kaniya, mukhang malakas lang talaga ang pagtitimpi niya sa mga pang-aakit ko sa kaniya.

Nabanggit ko sa kaniya na gusto kong maging isang flight attendant kaya naman sinabihan niya agad si Lovy doon. Ito na raw kasi ang bahalang maghanap ng mga eskwelahan na pasok ang kursong gusto ko. Sinabihan niya din ako na sasama raw siya sa pagbili ko ng mga school supplies at iba pang gamit na kailangan ko kung ayaw ko raw sa online bumili kaya naman mas pinili ko din na sa mall nalang magtungo upang bumili.

Pinagmasdan ko si Duke habang mahimbing siyang natutulog. Ang gwapo niya talaga. Magandang lalaki din naman si Jigs pero ibang kagwapuhan ang taglay ni Duke. Siya yung tipo ng lalaking pwedeng gawing display sa isang museo o sa mansyon. Papasa siyang mga model sa mga magazine na tinitingnan nila Dianne. Lumapat ang palad ko sa kaniyang pisngi ng puno ng ingat, hindi intensyong magising siya. Humagod ang aking hinlalaki sa kaniyang pisngi at mas pinagmasdan pa siya lalo. Nasa loob parin ako ng mga bisig niya. Ang sabi niya sa akin ay hindi kami magsasama sa iisang kwarto kaya pinagawa niya ako ng sarili kong kwarto pero tingnan mo siya ngayon at kinain lang ang mga salita niya.

"The picture will last longer" mahina niyang bulong. Tumaas ang sulok ng labi niya nang tuluyang mabuksan ang mga mata niya at makita nga akong nakatitig sa kaniya, pinagmamasdan siyang matulog.

Umikot ang mga mata ko sa kaniya kaya naman sandali siyang natawa sa naging reaksiyon ko.

"Hindi ko naman pinagkakaila na gusto kita at gustong-gusto kong pagmasdan kang natutulog. Hindi ko naman yun dinedeny yun" ngumuso ako sa kaniya.

"You don't have to be straightforward sometimes, Mau. But, somehow, I like that you're comfortable saying what you really feel" hinila niya ako lalo sa kaniya. Ginawaran niya pa ako ng halik pero dumapo lamang yun sa kaliwang kilay ko.

"Buti nalang alam mong nagsasabi ako ng totoo at hindi ka binobola lang dahil sa pera mo. Pero well, kasama na yun" mahina akong natawa dahil na din sa sariling sinabi. "Hindi ka ba magtatrabaho ngayon?"

"I thought you want me here? Why do you sound like you want me to go work now?"

Ngumuso nanaman ako kaya natawa siya. Hindi ko intensyon na halikan niya ako dahil sa gesture ko pero hinalikan parin niya ako. "Hindi,ha. Alam mong gustong-gusto kita kasama. Kung pwede lang ngang dumikit sayo twenty four seven ay gagawin ko"

Natawa siya na nauwi na nga sa halakhak. Bahagya siyang humiwalay sa akin upang tingnan ako ng maayos sa mga mata. "I can't bring you to the main building but I can bring you to Ilocos on Sunday"

Nagningning ang mga mata ko at parang sumayaw ang dalawang tainga ko dahil sa naturan niya. "I love that!" May accent kasi ang pag-ingles ko.

Natawa siya lalo sa naging reaksiyon ko.

Nagtungo ako sa kwarto ko upang doon na maligo pagkatapos niyang sinabi sa akin na kailangan na niyang maligo para sa trabaho. Biniro ko pa nga siya sa famous line na 'Save water, shower together' na tinawanan lang naman niya. Sinimungatan ko nalang siya nang bahagya niya akong itinulak papalabas na ng kwarto dahil sumasama talaga ako sa kaniya magshower. Nang matapos ako ay sakto naman ang pagkatatok ni Duke at ang pagtawag niya sa akin, sinabihan niya akong handa na raw ang almusal at umorder nga lang siya sa kaibigan niya raw na may restaurant. Mukhang marami siyang kaibigang mayayaman, tulad na lamang nila Havoc.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now