THIRTY SIX

559 19 7
                                    

I ran away.

I ran away and left Duke instead when I was the one who kept on hoping he would never leave me. I was the one who left, without even a proper goodbye. Without even a thankyou from the things he did for me.

I ran away. From him. From my family. From the forbidden love I once felt.

"Sige na, please? Kahit five hundred lang? Ibibigay ko kapag nakuha ko na yong sahod ko sa katapusan" hinabol ko ang kamay ni Maris, yong asawa ng bumbay na nakatira lang sa tabing bahay namin.

Inis niyang hinila pabalik ang kamay. Tumingin pa siya sa suot kong damit na pinagkupasan na ng kulay. "Ano ba naman Maurice! May utang ka pa sa akin ng tatlong libo! Sabi mo sa akin sa katapusan din yon, hindi ka naman nagbayad last month. Aba, kung bumbay lang din ako katulad ng asawa ko baka ang laki na lalo ng utang mo sakin. Buti nga at hindi kita tinutubuan dahil naaawa ako sayo"

Sana maawa ka ulit sa akin. "Please naman, Maris. Pangako, babayaran kita ng may patong. Last na 'to. Sasahod din naman ako sa a-trenta at mababayaran kita sa araw na yon"

Umiling siya. Inis niya ng nilock ang gate at alam kong hindi na niya talaga ako pauutangin. Buo na ang desisyon niya. "Bahala ka diyan. Pumunta ka kay Densio kung gusto mong mangutang, bibigyan ka non. Sigurado ako"

Ayoko nga. Baka ako pa ang hinging kapalit kung sa lalaking yon ako mangungutang! Isa nalang ang taong alam kong pauutangin ako.

Kinuha ko ang payong ko sa maliit naming bahay at ang towel ni Loli. Tinalukbong ko yon sa aking balikat at sinugod na ang mainit na araw.

Nagtungo ako sa kaliwang kanto kung nasaan ang dalawang palapag na bahay nila Jigs.

Nagkita kami ni Jigs nang mamasukan ako sa isang hotel bilang housekeeper isang buwan pagkatapos kong bumalik sa bayan namin at umalis din pagkatapos. I went home to my family and saw them struggling with the rumors circling around my town. Na nakapag-asawa raw ako ng matanda at iniwan ang pamilya para sa masaganang buhay sa ibang lugar. I left the money for them, yong binigay sa akin ni Duke na nasa account ko ay winithdraw ko araw-araw sa iba ibang lugar at inipon para iwan sa kanila.

Last month lang nagpasya si mama na ipasama sa akin si Loli dito nga sa Angeles. Nasa Pampanga na ako namuhay pagkatapos. I worked to earn money for myself. Ang hirap. Bawat galaw ko, perang galing sa pawis at pagod ko ang ginagamit ko kaya dapat ay wais ako sa paggastos.

Nasa akin na si Loli ngayon at itinabi ni mama ang perang binigay ko sa kaniya noon para sa pag-aaral niya. Habang ako naman ay kailangan mag-ipon dahil hindi nalang ang sarili ko ang itinataguyod ko ngayon.

Maganda ang posisyon ni Jigs sa hotel, sa HR siya nakatoka at ako naman ay sa paglilinis.

Nakasama ko naman si Maris sa hotel at doon niya nakilala ang asawa na niya ngayon na si Aji. Isinama niya ako sa barangay kung saan siya nakatira at sa katabing paupahan nila ako nangupahan.

I was living independently for almost two years now and I went home again to visit my parents and Loli. Doon nga sumama sa akin si Loli para mag-aral sa lugar kung saan ako lumipat.

Kasama ko siya sa inuupahan ko at iniwan ko siya doon ngayon at nag-aalaga ng bata. Siya lang kasi ang maaasahan ko para doon.

"Jigs!" Tawag ko nang makita ko siyang nagdidilig ng kanilang halaman.

"Maurice, anong sadya natin?"

Nagdalawang isip muna ako sa pagsabi ng pakay ko. Wala pang sahod, hindi ako sigurado kung mayroon ba siyang pera ngayon.

"May pera ka ba ngayon? Hih—"

"Magkano ba?" Hindi pa nga ako natatapos sa sinasabi ay tila handa na siyang magbigay ng pera.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon