TWO

1.2K 25 0
                                    

Padabog akong umupo sa aming kahoy na upuan sa sala nang makarating kami sa bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Padabog akong umupo sa aming kahoy na upuan sa sala nang makarating kami sa bahay. Paano ba naman kasi ay hinila ako ni mama paalis sa bahay nila Jigs matapos niya akong makita. Ni hindi ko pa nga nalalapitan ang lalaki. Yung lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang galak kanina.

Ang lalaki marahil ang bibili ng lupa nila Jigs. Kung ganoon ay ito rin ang may-ari ng magandang sasakyan na yun sa harapan ng bahay nila Jigs. Doon ko lang napagtanto na ibang klaseng yaman ang mayroon ito. Base na din ang awra nitong parang State side. Yun parang sa isang tingin mo palang ay malalaman mo nang nasa alta sosyedad ito.

Ganoong lalaki ang tipo ko. Kahit na gustuhin ko man na makausap o malapitan manlang ang lalaki ay hindi ko na magagawa dahil hinila na nga ako paalis doon ni mama.

Hindi ko manlang nalaman ang pangalan niya.

"Anong klaseng bagay nanaman ang tumatakbo diyan sa utak mo, Maurice" pambubuska ni mama.

"Wala" talagang halata ako sa pagsisinungaling ko. Napangisi ako ng patago.

"Magsaing ka na. Nagugutom na ako"

"Akala ko ba ay kumain kayo kina Jigs"

"Hindi ko kayang kumain doon dahil sa matapang na presensya nung lalaki kanina"

Naalala ko nanaman tuloy ang lalaki. Mukhang may katandaan ito sa akin. Marahil ay nasa lagpas trenta anyos na ito.

"Ma, sino ba yun?"

"Magsaing ka na muna, Maurice"

Lumapit ako sa kaniya at pasimpleng minasahe ang kaniyang balikat. Mukhang nagustuhan naman yun ni mama dahil sumagot siya. Tuluyang nakalimutan ang sinasabi ko. "Si Mr. Herrera. Yung bibili raw ng lupa nila Jigs"

"Ibebenta na nila yung lupa nila? Yung sakahan ba?"

Tumango si mama. "Pati na rin yung bahay nila"

Nabigla ako doon. Mukhang wala ring alam si Jigs dahil kung mayroon man ay malalaman ko yun dahil hindi pwedeng hindi yun sabihin sa akin ni Jigs. "Ha? Bakit raw?!"

"Bakit ba kuryoso ka. Buhay naman nila yun"

"Ma, bakit raw? Tsaka mayaman ba yung lalaki kanina? Gaano kayaman?"

Humarap si mama sa akin na naniningkit na ang mga mata. Tila inaalisa ako kung bakit ganoon ako kakuryoso sa lalaki. "Bakit ba ang dami mong tanong? Natural na mayaman yun dahil bibilhin nga ang lupa,diba"

Nga naman. "So, doon titira yung lalaki?"

Parang nakalimutan ko na yata na aalis si Jigs. Pero mas mahalaga sa akin yung lalaking bagong dating. Tiyak naman na mas mayaman yun kaysa kay Jigs. May kasiguraduhan pa na magustuhan ako dahil tiyak na bata pa naman ako. Hindi ba at gusto ng mga ganoong edad ang mga mas batang katulad ko. Isa pa ay maganda at may kaaya-aya akong katawan. Hindi rin papakabog ang malulusog kong dibdib kung yun ang hanap ng lalaki. Sino bang lalaki ay ayaw sa malusog na dibdib, hindi ba?

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now