THIRTEEN

1K 11 1
                                    

Ang daming nagsasabi sa akin na ambisyosa akong tao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang daming nagsasabi sa akin na ambisyosa akong tao. Hindi ko naman ipinagkakaila ang bagay na 'yon at kahit na wala akong mataas na pinag-aralan at tanging high school lang ang natapos ko ay mataas ang pangarap ko.

Ako 'yong tipo ng taong tamad pero gusto ng pera, ng maraming pera. 'Yong tipo ng taong madaling masilaw sa makikinang na bagay, lalo na kapag dinadala ako sa pagkamangha. 'Yong matatawag mong madaling kumapit sa easy money.

Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang sabi nga sa akin ng ama ko noon na huwag ko masyadong isipin ang sasabihin ng iba dahil hindi sila ang nagbibigay ng isusubo ko. Hanggang sa pagtanda ay dala-dala ko na 'yon.

"Are you still cold?" Ang sarap talaga sa pandinig ng boses ni Duke. Hindi ko tuloy napigilan ang paglarawan ng kilig sa mukha ko. Mukhang napansin naman 'yon ni Duke kaya natawa siya ng mahina.

Bumangon kasi kaming dalawa nang mapansin niya kaninang nilalamig ako. May isang oras na din siguro ang nakalipas at ngayon lang yata ako naapektuhan sa pagkabasa ko kanina.

Ang bilis talaga magpaikot ng ganda ko, biruin mo ganito na ka-sweet sa akin si Duke kahit na sandali palang naman kami nagkakilala. Kasama na 'yong mainit na namagitan sa amin nang nakaraan syempre. Lahat naman yata ng lalaki kaya kong akitin.

"I'm asking you, silly. Kung nilalamig ka ba? Huwag mong idaan sa pagkilig, tell me if you're still cold" huminto si Duke sa pagbabalot ng kumot sa akin at saka tumitig sa mukha ko. A'yon at dinaloy nanaman ako ng agos ng mapang-akit niyang titig. "Maurice" pukaw nanaman tuloy niya sa atensyon ko saka nanaman siya mahinang natawa.

Umiling ako. "Masyadong hot ang kasama ko ngayon kaya hindi na ako nakakaramdam ng lamig. Ang laking epekto ng presensiya mo ngayon. Para akong—" natigil ako nang tumiim ang titig niya sa mukha ko dahil sa sinabi ko.

Bumaba ang tingin ni Duke sa labi ko kaya akala ko ay hahalikan niya ako pero hindi yon nangyari. Mahina siyang umungol at tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko.

"Bakit? Ayaw mo na ulit akong halikan?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

Humarap sa akin si Duke saka siya umiling. Binigyan niya ng halik ang aking noo pagkatapos kaya naman nawala ng mabilis ang agam-agam ko na baka hindi niya nagustuhan ang paghalik sa akin ng nakaraan.

"I still want you to be su—" hindi ko na siya pinatapos dahil ayokong magdalawang isip pa siya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay ni Duke habang nakatayo siya sa harapan ko at ako naman ay nanatiling nakaupo. "Ano ka ba, sasama ba ako sayo kung hindi ako nagtitiwala sayo ng buo? Isa pa ay gusto ko naman na ikaw na ang gumawa ng bagay na 'yon. Anong akala mo sa akin, palalampasin ko pa ang katulad mo"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, hindi niya pa ba yon inasahan mula sa akin? Ang akala ko ba ay magiging ganoon na ang estado naming dalawa?

"Maurice—" bastos na kung bastos pero hindi ko siya hinayaan na magsalita pa ulit. Ewan ko ba, para kasing may pagdadalawang isip pa siya sa estado naming dalawa.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now