FOURTY

426 16 1
                                    

I saw Duke still standing to where I left him through the side mirror of Jigs' big bike. I went home with Jigs and Duke's serious face. Mukhang naalala na din ni Jigs ang lalaki at hindi siya nagtanong sa byahe, o mahirap lang talagang mag-usap kapag nakamotor.

Tama nga ako dahil pagkahinto ng kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay namin doon siya nag-usisa.

"Hindi ba at yon yong bumili ng lupa namin? Si Mr. Herrera?" He was looking at me as if I did something wrong. The accusation was evident in his eyes. I know, he knows something after I left our town.

Hindi kailanman binuksan ni Jigs ang bagay tungkol doon. Hindi siya nagtanong. Kahit yong bali-balita na sumama ako sa matandang mayaman noon.

"Siya ba yong sinamahan mo noong nawala sa bayan?"

Bumuntong hininga ako. "Si Duke yon. Tama ka, si Mr. Herrera nga yon. Tama ka din, sa kaniya ako sumama nang mawala ako sa atin"

I don't know. I feel so drained while talking to Jigs. Handa naman na akong sabihin ang bagay na yon sa kanila, lalo na sa pamilya ko. Hinihintay ko lang talagang magtanong sila. Alam kong hindi nakakaproud ang desisyon ko noon, pero kailangan kong maging totoo sa kanila.

Bumuntong hininga ako at hinintay ang sasabihin niya.

"Ang alam ko ay may asawa si Mr. Herrera noon. Narinig kong tinanong siya ni mama tungkol doon at sinabi niyang may asawa siya" mas lalong kumunot ang noo nito at muling bumalik ang pang-aakusa sa kaniyang mga mata nang matanto ang bagay na yon. "Nagkarelasyon ba kayo noon?"

Inasahan ko na ang ganitong reaksyon mula sa kaniya pero umasa parin ako na kahit papaano ay maiintindihan niya ako. I know, that was wrong. I did something that could hurt someone and that someone is Duke's wife.

"Nagkaroon. Sa kaniya ako sumama at inakit ko siya para magkaroon kami ng relasyon. Wala siyang kasalanan. I was the one who seduced him and asked him to make it secret. I was the one who initiated it. Duke only wanted to help me that time"

Hindi nagsalita si Jigs. I waited for him to speak but he didn't.

Umiling siya pero hindi nagsalita. I could the disappointment in his eyes. He was also looking at me as if I was still the desperate Maurice back then. Hindi ko siya masisisi. Tinanggap ko nalang ang tingin niya sa akin pero hindi ako magsisinungaling na nasaktan ako doon.

Yes, I did something wrong before. Nagsisi ako sa mga nagawa kong mali pero hindi ako kailanman magsisisi na minahal ko si Duke. Totoo ang pagmamahal ko sa kaniya nang mga sandaling yon.

"Hindi ganoon ang inasahan ko mula sa'yo, Maurice. Hindi ko...hindi ako makapaniwalang naging kabit ka ni Mr. Herrera. May pagdududa ako noon kung bakit bigla kang nawala pagkatapos natin siyang makilala pero hindi ko inasahan na susuong ka sa ganoong sitwasyon"

Sinalubong ko ang mga tingin niyang nanghuhusga. Naghalo yon sa pagkadismaya.

Tinanggap ko yon. Hindi ako nagsalita.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Jigs pagkatapos non.

"Aalis na muna ako" pagkatapos ng ilang sandali ay sabi niya.

"Jigs" I was about to hold his arms when he flinched. Nabigla ako dahil doon. Dahan-dahang bumaba ang aking kamay sa aking gilid at tulalang napatingin sa kaniya.

Galit siya. Halata sa kaniyang mga mata ang galit. Pero ang hindi ko inasahan doon ay ang pandidiri.

Kinuha niya ang helmet sa kamay ko at dire-diretsong lumulan pabalik sa kaniyang motor at pinaharurot yon.

Nagbadya ang mga luha sa aking mga mata. Wala akong nagawa kundi ang pigilan ang pag-iyak habang tinatanaw ang papalayong motor ni Jigs.

I was left there, standing in the middle of our street. Buti nalang at kaunti nalang ang mga tao doon at halos mga matatanda nalang na nagmamajong at mga teenager na nag-sisindi nanaman ng gin.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora