Chapter 34

217 27 8
                                    


FELIP

I watched Yara as she strutted her way to my room. I sighed and felt even more bad. She was mad and so disappointed about what happened earlier at her family's house.

Medyo in-expect ko naman nang baka ganoon ang maging reaksyon ng mga magulang niya sa akin. Ganoon naman ang ibang mayayaman at ibang sobrang taas ng pinag-aralan. Maliit ang tingin nila sa kahit anong klase ng artist. Hindi ko sila masisisi.

Ayos lang. Naiintindihan ko kung hindi nila ako gusto sa ngayon pero syempre, gusto ko pa ring patunayan na mahal ko talaga ang anak nila at handa naman akong gawin ang lahat para matanggap nila ako.

Pagpasok ko sa kuwarto, nakapagpalit na si Yara ng pantulog. Kasalukuyan siyang naghihlamos sa banyo. Hinayaan ko lang muna siya. Alam kong masama pa rin ang loob niya sa inasal ng mga magulang niya. I'll let her cool down and give her some space.

Nagpalit na rin ako ng damit at ginawa ang usual nighttime routine ko. Nauna nang humiga sa kama si Yara. Habang naghihilamos ako, pabalik-balik sa utak ko ang mga sinabi ng mga magulang niya kanina.

"To be frank, I don't want some kind of artista, a matinee idol--or whatever you call it, for my daughter. You're all in just the same shallow level. All you do is to entertain people."

"Mom, will you stop it?" napipikon nang sabat ni Yara. Bakas na sa mga mata ang namumuong galit.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya upang pigilan siya.

"I'm just being real, Naiara. Hindi ka na nga tumulong sa kompanya natin. I'm expecting you to date someone who could be with us in the business. And is music gonna feed you and your future kids in the long run?"

"Damn your business and prejudices. When will you stop making everything all about business? This is my life!"

"Baby, please, don't raise your voice," mahinahong pagpapakalma ko sa kaniya.

Umiling siya at muling pinukol ng masamang tingin ang mga magulang.

"This is the very reason why I don't like going to this house! Why I don't like talking to you at all! Napilit lang ako ni Kuya, but if not for him, hinding-hindi ako pupunta rito. And if it weren't for my respect for Felip, I wouldn't be here introducing him to you!"

"Stop shouting at us, hija," mariing saad ng daddy niya. "Your mom has a point--"

"Dad, ano ba naman?" si Kuya Archie naman ang sumabat ngayon. Mukhang hindi na rin napigilan. "For once, huwag n'yo naman pong kampihan pa si Mommy."

Yara's mom chuckled sarcastically as she rolled her eyes. "Oh, wow! And now you're all turning against me? Ginawa n'yo na naman akong kontrabida?"

Padabog na tumayo si Yara at hinila ako. "Let's go, Felip. Wala nang rason para magtagal pa tayo rito."

"'Ga, baka puwede n'yo pang pag-usapan nang maayos--"

"No! There's no point in talking to them!"

Naitikom ko ang bibig ko nang pati ako ay nasigawan niya. Mukhang nagulat din siya sa tono ng boses niya sa akin dahil nabalutan agad ng lambot at konsensya ang ekspresyon niya. Sa huli ay tinalikuran niya kaming lahat at mabilis nang naglakad palayo. Tiningnan ko ang buong pamilya niya. Yumuko ako at pinagdikit ang mga palad upang humingi ng paumanhin.

"Pasensya na po. Please excuse us." Hindi ko na sila nahintay pang sumagot at kaagad ko nang hinabol si Yara.

Pinunasan ko ng tuwalya ang mukha ko matapos kong maghilamos. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Minsan naiisip kong kulang na kulang ako para kay Yara. Pakiramdam ko hindi ko siya maaabot kahit anong gawin ko. Hindi ako magiging sapat para sa kaniya. I wouldn't ever be deserving of her. I would always be nothing compared to her and to the lifestyle she grew up with.

Just How I Like ItWhere stories live. Discover now