Chapter 29

280 34 10
                                    

Stream FLYYY by Playertwo ft. FELIP

NAIARA

I woke up pretty late the next day in the morning. Felip beside me was still sleeping peacefully. When I looked at the small alarm clock above the bedside table, it was already 9:30 in the morning. Sobrang tanghali na ng gising ko.

But more surprisingly, Felip's still asleep when he was usually the one who wakes up early than I am.

Nakatagilid siya ng higa, nakaharap sa akin. Ganoon din ako sa kaniya. Nakakakalma siyang panooring matulog. He looks at peace. He looks like an angel. He looks so comfortable with his sleep.

Bigla ko tuloy naalala 'yung mga narinig ko sa usapan nila ni Pablo noong nakaraan. About his sleeping disorder. Sana ganito siya katagal matulog araw-araw kagaya ngayon. Hindi ko nasusundan 'yung sleeping pattern niya kasi hindi naman kami magkasama araw-araw o gabi-gabi. Kapag magkasama naman kaming natutulog, hindi ko alam kung kumpleto ang nagiging tulog niya kasi mas nauuna siyang nagigising sa akin palagi.

I tenderly caressed his cheek so softly. How I wished I was here every time he was dealing with his mental health issues. Alam kong hindi ko na maibabalik ang mga nangyari at may rason naman lahat ng iyon pero sa tuwing tititigan ko siya nang ganito, hindi ko maiwasang malungkot.

He's just so precious and genuine. He deserves the love that he gives. And I hope this time, I could finally do better. I hope this time I could love him more than how he loves me. Ang tanging gusto ko na lang ngayon ay pasayahin siya at iparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Gusto kong bumawi. Ayoko na siyang masaktan pa.

Pinatakan ko ng marahang halik ang pisngi at noo niya bago ako bumangon mula sa pagkakahiga. I took a bath since my body really got so used last night. My eyes tightly closed in pain when the water ran down between my thighs. I felt so sore. Nabigla rin siguro ang katawan ko dahil ilang taon na walang gano'n 'tapos noong mangyari ulit, tatlong beses agad sa iisang gabi lang.

God, Felip Jhon.

Paglabas ko ng banyo, tulog na tulog pa rin si Ken. Lumapit ako at naupo sa gilid ng kama at pinagmasdan siya nang matagal. I caressed his arm and it was warm. I moved my ears closer to his face and heard his light snore. I also felt the hot air coming from his nose.

Nakahinga ako nang maluwag. Hinalikan ko ang balikat niya bago ako tumayo at lumabas ng kuwarto.

Nag-alungkat ako ng pupuwedeng mailuto sa kusina niya. I decided to just cook some pasta. Buti naman at may mga ingredients siya roon. Tuna pasta na lang ang ginawa ko since madali lang naman gawin. Wala pang thirty minutes ay tapos na ako sa pagluluto.

It's almost ten thirty yet Ken wasn't still up. Mukhang napagod nang husto ang isang 'to ah.

Bumalik ako sa kuwarto upang gisingin na siya. Gusto ko man na ang haba ng naging tulog niya, ayaw ko namang malipasan siya ng gutom. Tanghaling-tanghali na, hindi pa kami nagbe-breakfast.

"Ken?" Marahan kong hinimas ang likod niya. "Wake up, my love."

Hindi pa rin siya magising kaya tinapik-tapik ko na. "Ken . . ."

I lightly tapped his cheek and finally . . . he woke up. Gumalaw siya pero pikit pa rin ang mata. Napangiti ako kasi para siyang bata na ang hirap gisingin.

"It's already past ten AM, Felip. Bangon na tayo, please?"

Marahan kong hinaplos-haplos ang pisngi niya hanggang sa unti-unti siyang nagdilat ng mga mata. Namumungay pa ang mga mata niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin. I welcomed him with a smile.

Just How I Like ItWhere stories live. Discover now