Chapter 31

362 32 9
                                    

Warning: R-18

FELIP

"Hi! How's my baby?" tanong ko kay Yara nang i-video call ko siya.

Ngumiti siya at ipinakita ang nasa paligid niya. Nasa shop niya siya ngayon.

"I'm fine. Kumain ka na?"

Tumango ako. "Yup. Hanggang anong oras ka d'yan sa shop?"

"Mga 4 PM lang siguro. Ikaw ba? Nandyan ka pa rin sa studio?"

Nasa studio ako ng bagong ka-collab ko sa kanta. Nagre-rehearse kami para sa paparating na gig namin. Medyo busy ako sa mga nagdaang araw sa mga solo ko kaya mabuti na lang din at pahinga muna kami ng grupo magmula noong fanmeet.

"Oo pero tapos na rin kami. Alis na rin ako maya-maya. Punta kaya ako d'yan?"

Bahagya siyang nagtaas ng kilay. "Here? Sa shop ko? Baka may makakilala sa 'yo."

I chuckled. "Hayaan mo na. Never pa akong nakapunta diyan e. Sunduin na rin kita. Tulog ka sa 'kin mamaya."

I saw how she instantly blushed. "Okay. Bahala ka . . ."

At iyon na nga ang ginawa ko. Nang makapagpaalam sa mga tao sa studio, nag-drive na ako papunta sa shop ni Yara. Bago ako lumabas ng sasakyan ko ay nagsuot ako ng cap hanggang sa matakpan ang itaas ng mukha ko.

Pagpasok ko sa loob, agad akong binati ng mga staff doon. Mabilis na lumapit sa akin si Yara na nakangiti ngunit nagtagal ang mga mata ko kay Stell.

Anong ginagawa ni Stell dito?

"Hello, love!" masayang bati ni Yara at niyakap ako.

Niyakap ko siya pabalik ngunit naiiwan pa rin ang tingin ko kay Stell. Tiningnan ko siya nang masama at mukha naman siyang natakot na ewan bago nag-iwas ng tingin.

Nang bumitiw si Yara sa yakap, 'tsaka ako nagsalita at tinanong si Stell.

"Anong ginagawa mo rito? Kanina pa kayo magkasama?"

Yara butt in. "May pinagawa kasi siyang items. Kaya ilang araw na rin siyang nagpupunta rito to see the progress."

Napatingin ako nang seryoso kay Yara. Ilang araw na? Gaano katagal na? Buti pa si Stell, ilang beses nang nakakapunta rito sa shop niya. Samantalang ako na boyfriend niya, ngayon pa lang.

Bumuntonghininga ako at hinawakan ang kamay ni Yara. "Halika na, umuwi na tayo."

Napakurap-kurap siya at nabura ang ngiti sa mukha. Mukhang naramdaman niyang hindi maganda ang mood ko. Napatingin siya kay Stell kaya napatingin din ako rito. May halong inis na ang tingin nito sa akin.

Tss. Punta siya nang punta rito nang hindi ko nalalaman. Ni hindi man lang siya nagsabi sa akin gayong alam niyang girlfriend ko si Yara

"Maaga pa naman, Ken. 3:15 pa lang," sabi ni Yara.

I controlled the growing irritation in my chest by heaving a sigh.

"I'm tired, Yara."

Tinitigan niya ako na parang naninimbang. Sa huli ay nagpakawala rin siya ng hininga at tumango na lang. Sabay-sabay na kaming lumabas pati si Stell. Nagpaalam siya rito habang ako ay hindi ito pinansin hanggang sa makasakay kami sa kotse ko.

Pagdating naming dalawa sa condo ko, dumiretso ako sa kuwarto at nagpalit ng damit. Sumunod si Yara sa akin at pinagmasdan lang ako. She didn't say anything, though. She was just observing me.

I didn't say a word, too. Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit nabubugnot ako na malamang nakailang beses nang nagpunta si Stell sa shop ni Yara nang hindi ko alam. Walang ikinukuwento si Yara, wala ring sinasabi si Stell sa akin. Pakiramdam ko tuloy, sinisikreto nila 'yon.

Just How I Like ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon