Chapter 17

233 26 13
                                    

Hello, mga sisiw ni Ken! Na-miss ko mag-update dito. It's been two weeks na walang update so sorry kung natagalan. Got so busy with work and with fangirling as well. Ang dami kasing ganap ng esbi pati ni Ken kaya yung focus ko nandoon lang sa mga nakaraang linggo. Got so distracted with the ticket selling for the Anniversary Fanmeet and had so much frustration na inabot pa ako ng ilang araw na malungkot at disappointed dahil hindi ako nakapag-secure ng VIP ticket :(( Wala pang 5 minutes, ubos agad ang VIP! Then I went to Pepsi Pulse event and got fortunate to be at the barricade!!! Worth it yung pagod at ilang beses kong nagitgit kasi napunta ako sa barricade so pinakaharap ako 😭 I saw SB19 up close!!! I finally saw Ken up close in person huhu I was happyyyy. Sobrang guwapo niya sa malapitan, na-starstruck ako malala. Hanggang ngayon hindi ako maka-move on hahahaha. Pinagbigyan ako ni Lord kasi hindi ako nakakuha ng VIP Standing for the Fanmeet huhu. Ayun, share ko lang sa inyo haha. Here's the update! Babawi ako so baka any day this week, mag-update agad ako :))

FELIP

"Ate Bea, pasabi sa driver pasundo ako rito sa airport," sabi ko kay Ate Bea nang tawagan ko siya pagkalapag na pagkalapag ko sa aiport sa Manila.

"Airport? O bakit, akala ko ba ilang days ka sa L.A.? Bakit nandito ka agad?"

Napabuntonghininga ako. "Basta. Pakisabihan na lang 'yung driver na sunduin ako ngayon na."

Ilang segundo siyang natahimik na parang may inisip.

"Okay . . ." her tone became soft and careful. "Sige, sabihan ko bilisan niya papunta d'yan."

Mga twenty minutes lang siguro ang hinintay ko bago dumating 'yung driver. Tumawag pa si Ate Bea habang nasa biyahe ako pauwi sa condo ko pero hindi ko na muna sinagot. I didn't have the energy to talk at all.

Pagdating ko sa condo ko, dumiretso ako sa kuwarto ko. Naghubad lang ako ng damit at tanging boxers ang iniwang suot bago sumalampak sa kama. I didn't do heavy activities, but I felt so drained. It was like there was a weight on my body that's making me weak and helpless.

Niyakap ko ang isang unan ko at ipinikit ang mga mata upang gumawa ng tulog. Akala ko kapag pumikit ako, magagawa kong pigilan ang kanina pa gustong kumawala na mga luha ngunit hindi pala. Nagtuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha ko kahit nakapikit.

Mahigpit kong niyakap ang unan ko at isinubsob ang mukha roon at doon nagpatuloy ng iyak.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkagising ko, sandamakmak na missed calls mula kay Ate Bea, Pablo, at Kuya Maverick ang bumungad sa akin. Naka-silent ang cellphone ko kaya mabuti't hindi ako nagising sa mga tawag nila.

I opened a message from Ate Bea.

Ate Bea:

Okay ka lang ba? Magsabi ka lang kung may gusto kang ikuwento. For now magpahinga ka na muna.

I typed in a reply to lessen her worry.

Ako:

Okay lang ako. Kagigising ko lang.

Message naman galing kay Pablo ang binuksan ko.

Pablo:

Tinawagan ako ni Bea. Umuwi ka rin daw pala agad dito. Ayos ka lang? May nangyari ba at umuwi ka agad?

I sighed and also chose to respond.

Ako:

Ayos lang ako. Wag kayo mag-alala.

Hindi ko alam kung tama bang ikuwento ko pa sa kanila 'yung nangyari sa L.A. -- na tapos na kami ni Yara. It's none of their business and I also didn't want to involve them with stuff like this.

Just How I Like ItWhere stories live. Discover now