Chapter 5

277 20 10
                                    

DO NOT SCREENSHOT and upload it as yours! Hindi ka naman siguro pinalaking magnanakaw at copycat kaya mahiya ka.

FELIP

"O, ayan na 'yung alaga mo." Tinuro ako ni Stell pagkapasok na pagkapasok ko ng meeting room sa building ng management namin.

Nilingon ako ni Ate Bea at sinimangutan. Pabiro ko siyang inikutan ng mata bago ako naupo sa tabi ni Justin. Nagkatinginan kami ni Pablo na nakupo sa harap ko. He was looking at me curiously with a hint of suspicion.

Iniwas ko saglit ang tingin ko at nang maramdaman kong nakatitig pa rin siya ay muli ko siyang tiningnan. Naningkit ang mga mata niya na para bang may pilit siyang binubuong puzzle sa mukha ko.

Naalala ko 'yung pagtawag niya kagabi at mukhang narinig niya 'yung ungol ni Yara. Iyon siguro ang iniisip niya ngayon.

Nawaglit ang tingin ko kay Pablo nang malakas akong tapikin ni Stell sa hita ko pagkaupo niya sa swivel chair sa tabi ko. Ngingisi-ngisi siya sa akin na para bang may alam din sa mga pinaggagagawa ko kagabi. Hindi imposible na alam na nga nila dahil mukhang nabulabog silang lahat nang magsumbong ang mga bodyguard ko na ako ang nag-drive ng van at may kasama akong babae.

"Ikaw haaaa! Anong ginawa mo kagabi?" nakangising tanong ni Stell.

Nagpigil ako ng ngiti at tiningnan lang siya. Nakipaglabanan siya ng titig sa akin na para bang hindi talaga ako lulubayan ng mata hangga't walang nakukuhang sagot.

"Nagsabi si Bea kay Pablo na nag-bar ka nga raw 'tapos ikaw nag-drive pauwi," sabi naman ni Justin sa kabilang tabi ko. "Syempre nag-worry si Pablo kaya nag-chat sa GC natin. Hindi ka nagbabasa ng mga chat!"

"Sino 'yung girl na kasama mo kagabi? Yiiieee!" pang-aasar ni Stell. "May girlfriend ka na?"

Maikli akong natawa at umiling. Si Ate Bea at Pablo ay parehong nakatingin lang sa akin at pinagmamasdan ako.

"Dinala raw niya sa condo niya," si Justin ulit na mukhang kinikilig na hindi maintindihan habang naghihintay ng kumpirmasyon mula sa mukha ko. "Matagal mo na bang kilala 'yung girl o nakilala mo lang kagabi?"

"Ay! Grabe, kung nakilala mo lang kagabi 'yon 'tapos dinala mo agad sa condo mo, iba ka!" sabat ni Stell.

Kalagitnaan ng pangungulit nila sa akin ay dumating si Josh. Naupo siya sa tabi ni Pablo at nilibot kami ng tingin, gustong humabol sa pinag-uusapan.

**(See SB19 group selfie below for those who are not a fan of them, but are reading this story. This is them in this story's current timeline. From left to right: Josh, Justin, Pablo, Stell, and Ken.)**

"Huwag mong sabihing one night stand 'yan ah!" pagbabanta pa ni Stell sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huwag mong sabihing one night stand 'yan ah!" pagbabanta pa ni Stell sa akin.

Pablo chuckled and shifted his gaze. Napatingin tuloy sa kaniya ang lahat. Nanatili pa ring tikom ang bibig ko.

Just How I Like ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon