Chapter 23

242 30 8
                                    


FELIP

Unti-unting nagising ang diwa ko nang maramdaman ang init na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad din itong tinakpan nang salubungin ako ng sinag ng araw na sumisilip sa maliit na siwang ng nakasarang kurtina na tumatakip sa glass wall ng kuwarto ko.

Nag-inat ako nang kaunti hanggang sa tuluyan na ngang magising. Pagbaling ko sa kabilang gilid ko, napakurap-kurap ako nang makita ko si Yara. Nakaunan ang ulo niya sa gilid ng kama ko habang nakaupo sa isang upuan. Kumunot ang noo ko.

No way she slept for the whole night on that state.

Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Sumandal ako sa headboard at tinitigan siyang mahimbing na natutulog. Bakit diyan siya natulog? Hindi ba siya nangalay? Ang naaalala ko kagabi, sinamaan ako ng pakiramdam. Nilagnat yata ako at pinainom niya ako ng gamot. Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos dahil nakatulog na ako.

Hinipo ko ang leeg ko at pinakiramdaman ang sarili. Okay naman na ako. Hindi na ako mainit. Hindi na mabigat ang katawan ko.

Muli akong nagbaba ng tingin kay Yara. Gusto kong ayusin ang puwesto niya. Gusto ko siyang pahigain dito sa kama. Kawawa naman, baka nangangalay na. Kaso paano ko naman iibahin ang puwesto niya nang hindi siya gagalawin? Baka magising pa.

Napabuntonghininga ako. Bakit kasi diyan siya natulog? Puwede namang sa couch. O kaya sana ay ako na lang ang natulog sa couch, siya ang dito sa kama.

Marahan kong hinawi ang iilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha niya. I smiled a little as I gently caressed her cheek. I appreciated her for taking care of me last night. Hindi niya ako pinabayaan hanggang sa makatulog ako.

Napabuntonghininga ako nang maalala ko ang paghalik niya sa akin kahapon. It's not like I didn't want it. I just . . . I don't know, it felt wrong. Parang kapag bumigay ako sa halik niya, pinatunayan ko lang sa sarili ko na ang baba nga ng tingin niya sa akin. Ayoko ng gano'n. Ang bilis-bilis niya akong itinaboy noon. Ang bilis din niya akong makukuha pabalik? Hindi tama 'yon. Ayokong masanay siya ng gano'n.

Alam ko pa rin naman kung anong worth ko.

Malambot ko siyang tinitigan habang marahang hinahaplos ng likod ng palad ko ang makinis niyang pisngi. If I were being honest to myself, I'd say that I missed her -- so bad. But I couldn't let my emotions get the best out of me. I have to be wise now. I have to be careful with my feelings. It was something I failed to do three years ago. Masyado akong nagpadala lang sa daloy ng nararamdaman ko noon.

Hindi ko inisip na . . . pa'no kung iwan niya ako? Paano kung masaktan lang ako sa huli? At nangyari na nga. Hindi ko naihanda ang sarili ko para ro'n kaya ganoon na lang ang kamiserablehan ko.

Mabilis kong inalis ang kamay ko sa pisngi niya nang bigla siyang gumalaw. She made cute, little sounds as she stretched her arms while eyes were still closed. Nang unti-unti niyang imulat ang mga mata niya ay mabilis akong nahanap ng paningin niya. Unti-unti siyang tumuwid sa pagkakaupo. Mukhang antok na antok pa siya dahil hindi pa gaanong maimulat ang mga mata.

She moaned a little as she held on her back. Mukhang nangalay nga ang likod niya sa tagal ba naman ng pagtulog niya sa ganoong puwesto.

"Inaantok ka pa ba?" tanong ko. "You can sleep here . . ."

Tinapik ko ang kama ko. Her eyes were still half open. She looked so sleepy and tired.

"Babangon na ako. Maghahanda na ako ng almusal. Dito ka na sa kama," dagdag ko pa.

Hindi siya sumagot. Mukhang tulog pa ang diwa kaya hindi makausap nang matino. Tuluyan na akong bumangon at umalis sa kama. Hinawakan ko ang braso niya at mahina siyang hinila patayo sa upuan. Para pa siyang tutumba nang makatayo kaya agad kong inalalayan.

Just How I Like ItWhere stories live. Discover now