Chapter 30

300 28 11
                                    


NAIARA

Days passed in a blink of an eye. SB19's fanmeet is gonna be happening today. Every preparation was a success -- from merch to wardrobe, styling, production, and many more. Sobrang nakaka-proud lang din 'yung team ng 1Z kasi super hands-on sila sa lahat, lalong-lalo na doon sa lima.

"Ay hala, kayo pala may-ari n'on?!" gulat na tanong sa akin ng isa sa make-up artist ng group nang malaman nito na pamilya namin ang may-ari ng isang jewelry shop.

Nasa loob ako ng dressing room kasama ang SB19 pati na ng staff nila. Sabay kaming nagpunta rito ni Felip kanina. Sinundo kami ng isa sa mga van nila. Kasalukuyan pang mine-make up-an sina Justin at Stell. Habang si Ken at Pablo ay nasa isang gilid, nagwa-warm up nang kaunti. Tapos na silang make up-an. Si Josh naman na tapos na ring ayusan ay nasa isang upuan at nagse-cellphone.

Ngumiti ako sa baklang stylist na kausap ko. Tatlo kaming nakaupo sa isang mahabang sofa habang dinadaldal nila ako ni Xi-Anne.

"I don't belong to the owners since hindi naman ako tumutulong sa business ng family ko," sagot ko.

"Kahit na! Anak ka pa rin ng may-ari. May gusto akong bilhing relo do'n pero hanggang ngayon hindi ko mabili. Ang mahal kasi. Baka naman? Pa-discount." Sinabayan niya iyon ng tawa.

Natawa rin si Xi-anne at hinampas siya. I chuckled.

"Eme lang! 'Di rin bagay sa 'kin 'yung gano'ng kamahal. Baka pa sabihin ninakaw ko."

Pare-pareho kaming natawang tatlo. I'm slowly growing comfortable in talking with some of their staff. Nagiging pamilyar na rin talaga sila sa akin at mukhang nasasanay na rin naman sila sa presensya ko. Magmula pa lang noong pagpunta-punta ko sa building ng 1Z para sa merch, ilang beses na nila akong nakita. Ngayon naman, mukhang madalas pa rin nila akong makikita dahil girlfriend ako ni Ken.

Nagpaalam 'yung stylist sa akin dahil kailangan niya nang tumulong sa pag-aayos ng buhok ni Stell. Si Xi-anne naman ay nautusang mag-video ng nagyayari backstage para sa vlog ng group.

Napatingin ako kay Josh nang tumayo siya mula sa upuan niya. Naglakad siya palapit sa direksyon nina Ken at Pablo na nagwa-warm up. Pinanatili niyang malayo ang distansya niya kay Ken bago siya nagsimula ring mag-warm up.

Seconds later, I watched how Ken walked aways from that corner. Josh's lips pursed. Pablo's gaze followed Ken and when he saw that Ken was coming near me, his eyes transferred to mine. Tipid siyang ngumiti sa akin bago nag-iwas ng tingin.

"Hello!" parang batang bati sa akin ni Felip nang makalapit siya. Kumaway-kaway pa na parang ngayon lang ako nakita sa araw na ito.

I smiled and welcomed him beside me. Ipinatong niya ang kamay niya sa hita ko.

"You okay here? 'Di ka ba nabo-bore?" tanong niya.

Umiling ako. "Nope. I love seeing you all prepare. 'Tsaka excited akong mapanood ulit kayong mag-perform nang live, lalo na si SB19 Ken."

He smirked. "Kay FELIP ayaw mo?"

Natawa ako nang maikli at mahinang kinurot ang pisngi niya. He scrunched his nose as he pointed the tip of it on my nose.

"Pipiliin ko si Ken kapag gusto ko ng kulitan at lambingan time."

"Kailan mo pipiliin si FELIP?"

Pilya akong napangisi. "If I wanna be sated in bed, I'd pick FELIP."

He bit his lower lip and stared at me darkly. Lust instantly surrounded his eyes.

"Uwi na kaya tayo? Parang gusto ko nang--"

Just How I Like ItWhere stories live. Discover now