Chapter 10

279 20 4
                                    

DO NOT SCREENSHOT and upload it as yours! Hindi ka naman siguro pinalaking magnanakaw at copycat kaya mahiya ka.

FELIP

"So ayun, ito si Yara, mga 'tol," I formally introduced Yara to everyone when we got inside the van.

Yara smiled at them all and I couldn't help but smile playfully because she looked so shy. Nginitian naman siya ng mga kagrupo ko at isa-isa ring nagpakilala ang mga ito.

"Sa wakas naman at nakilala ka rin namin," ani Stell. "Makakatulog na nang mahimbing si Ken. Ilang linggo ka na nitong hinahanap e."

Yara looked surprised at what she heard. Tiningnan niya ako gamit ang nagtatakang mga mata at wala akong nagawa kundi ngumiti na lamang. Nang mawala ang paningin niya sa akin ay sinamaan ko ng tingin si Stell. Binuko pa 'ko ng isang 'to!

Sasabihin ko naman talaga kay Yara na hinahanap ko siya pero gusto kong sa akin mismo manggaling at ayoko namang mabigla siya. Baka kasi pag-isipan niya ako nang masama. I didn't want to creep her out.

"Kilala mo ba kami? Curious lang," nangingiting tanong ni Josh.

Pasimple kong inilingan si Josh, sinesenyasan siya na huwag na munang ipaalam kay Yara kung sino kami sa industriya dahil hindi nga nito kami kilala. Sasabihin din naman namin pero hindi agad-agad at baka mabigla siya.

Nahihiyang natawa nang maikli si Yara. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan siya. Ang cute-cute niya. Hindi ko alam na medyo mahiyain pala siya kapag maraming tao sa paligid. Pareho kami.

"To be honest po, I didn't know you guys weeks ago. Pero after ko makilala si Ken one night, the day after that, I got informed that he's one of the members of a P-Pop boy band."

Nalaglag ang panga ko. Pa'no niya nalaman?

"Sa bar po kasi kami nagkakilala."

"Sabi nga sa 'min," sabi ni Pablo.

Nagkatinginan kami ni Yara. I smiled reassuringly at her. "Remember my bodyguards that night? Nagsabi kasi sila sa manager ko na dinala ko 'yung van namin at may kasama akong babae pauwi which is ikaw nga. Ayun, hanggang sa nalaman na rin ng mga kagrupo ko."

Napatango-tango siya. "May kasama po akong friends no'n that night. And nakita yata nila na nakasayaw ko si Felip. 'Tapos the day after po, sinabi nila sa 'kin na sikat nga daw po si Felip. Na kabilang siya sa isang P-Pop group. Doon ko nalaman 'yung tungkol sa inyo na SB19."

She chuckled as her cheeks immediately turned crimson. "Kaya po parang nahiya ako bigla sa sarili ko after kong makilala kung sino talaga si Felip. Nakakagulat malaman na famous personality pala 'yung nakilala kong guy 'tapos ni hindi ko man lang alam. Like, I literally didn't have any idea who he is. Hindi ko po talaga kayo kilalang lahat that time, sorry."

"Okay lang 'yon, 'no ka ba!" si Stell.

"Huwag kang mag-sorry, hindi naman din kami nagugulat na may mga hindi pa nakakakilala sa 'min," si Justin.

Hindi naman talaga issue sa amin kung kilala kami o hindi. Ang mahalaga, nagagawa namin ang mga bagay na gusto namin -- ang paggawa ng musika, pagkanta, at pagpe-perform. Hindi naman namin pinipilit ang mga tao na kilalanin kami o bigyan ng pansin. It's all up to their preferences.

"Pero sobrang happy ko naman po na kilala ko na kayo ngayon. Nag-search po ako about sa inyong lahat hanggang sa nalaman ko 'yung iba n'yong mga kanta. I actually watched your concert last night."

"Whoa," reaksyon nina Stell.

"O sabi ko sa inyo siya 'yung nakita ko e!" paggigiit ko at tinitigan silang lahat. "Sinasabi n'yo pang nagha-hallucinate ako!"

Just How I Like ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon