Chapter 27

297 29 14
                                    


Disclaimer: Always remember that this is FICTION. Scenarios, dialogues, and thoughts of the characters are PURELY FICTIONAL and just based on the author's imagination, which doesn't apply to any of SB19 members' life and bond in real world.

NAIARA

Ilang araw nang overtime ang mga staff sa shop ko dahil sa pagiging abala sa merch na ginagawa namin para sa fanmeet ng SB19. Isang linggo na lang kasi ay gaganapin na ang fanmeet kaya doble kayod kaming lahat.

"Break muna, guys! Sige na, mamaya na 'yan. Anong gusto n'yong meryenda?" tanong ko sa mga staff ko.

Agad silang tumigil sa mga ginagawa at nagkasabay-sabay pa sa pagbibigay ng mga suggestion ng kakainin. Natawa ako.

Pinag-order ko na sila ng makakakain naming lahat bago ako umakyat sa opisina ko. I checked my phone and wondered if Felip was busy. He informed me that they would have a surprise visit to a fair today. Sila ni Stell. Surprise guest performer si Felip habang si Stell naman ay gusto lang sumama upang manood.

Napatingin ako sa orasan. It's almost 4 pm. Malamang ay nandoon na si Ken at Stell sa event. 5 pm pa ang start ng show. Nag-check na muna ako sa social media para magtingin kung may mga nakakita ba sa pagdating ng dalawa sa event.

Unang bumungad sa akin sa X app ay isang video na wala pang limang segundo ay nagpakunot na sa noo ko. Sobrang daming tao. Walang matinong entrance na pinasukan 'yung dalawa kaya walang nagawa kundi dumaan sa kumpulan ng mga tao. Walang mga barricade sa paligid para doon mag-stay ang fans.

May marshalls naman, madami, pero sa sobrang pagkakagulo ng mga tao, parang hindi nila kayang harangan ang lahat ng gustong lumapit kina Ken at Stell.

"What the fuck," naibulong ko sa hangin nang makita kong halos matumba si Felip dahil sa gitgitan at tulakan ng mga tao.

Napahinga ako nang malalim. I understand the excitement and the joy of the fans upon seeing their idols. Of course, who wouldn't want to have a moment with your idol? Hindi ko sila masisisi kung mataranta o magkagulo sila. Kaso, kailan ba sila matututo? Kailan nila mare-realize na hindi maganda 'yung ganitong akto?

Sana lang ay alam pa rin nila 'yung limitasyon nila. Kawawa 'yung artists. Hindi naman siguro nila gustong masaktan 'yung mga idol nila sa ganitong klaseng pandudumog, 'di ba?

Nagpakawala ako ng mabigat na hininga at nagpasyang tawagan si Felip. I know na baka busy na siya sa paghahanda para sa performance niya roon pero nag-aalala ako. I just wanted to make sure if he's okay.

Dalawang ring lang ay sumagot agad siya.

"Hi!" pagsagot niya sa tawag.

Napangiti ako. "Hello!! How are you diyan sa fair?"

"Okay naman. Inaayusan pa ako ng buhok."

"May mga nakita ako sa X. Pinagkaguluhan kayo ni Stell. Okay ka lang ba?"

"I'm fine, don't worry. Medyo kinulang lang din talaga kami sa security. 'Tsaka walang proper entrance for the artists kaya gano'n 'yung nangyari. Nagagalit nga sina Ate Bea. Hindi dapat gano'n. Mali ng organizer."

Parang mas lalo yatang dumoble ang init ng ulo ko sa nangyari. "Hindi talaga dapat gano'n. Hindi n'yo deserve 'yung hindi kayo pinaglaanan ng maayos na papasukan."

I heard him sigh. "Hayaan mo na. Panay sorry naman sila sa amin. Lesson na rin para sa kanila 'yon."

"Are you sure you're okay? Hindi ka ba nasaktan?"

"I'm okay, really. Don't worry, ha? 'Di ako nasaktan."

I pouted. Hindi ako mapakali. Parang hindi ako mako-convince na okay nga lang siya hangga't hindi ko siya nakikita.

Just How I Like ItWhere stories live. Discover now