Chapter 6

279 21 6
                                    

DO NOT SCREENSHOT and upload it as yours! Hindi ka naman siguro pinalaking magnanakaw at copycat kaya mahiya ka.

NAIARA

"Are you sure about this, Yara?" tanong ni Kuya Archie habang pinanonood akong naghahanda na sa pag-alis.

I smiled. "One hundred percent certain, Kuya. I'm beyond excited, actually."

Mabigat siyang nagpakawala ng hininga at malungkot akong tiningnan. I smiled. Muli kong nakita sa mukha niya ang malaking pagkakapareho namin.

"Los Angeles is a big city, Yara. Do you think you can live there alone? Ang daming tao ro'n, baka mapa'no ka."

I chuckled. "Kuya, I've been living independently since I graduated from college. Sanay akong mamuhay nang mag-isa."

"This is different. Dito, nasa iisang bansa lang tayo. Nabibisita kita, nagkikita kayo ng mga kaibigan mo. Nakakapunta ka sa bahay kapag ipinapatawag ka nina Mommy. Ibang bansa ang L.A. at hindi naman 'yon malapit dito. Sino na lang ang pupuntahan mo ro'n just in case kailangan mo ng kasama o may emergency?"

"I can make some friends."

He hissed. "Introvert ka, how can you make friends?" he said matter of factly.

I shrugged and pulled my luggage towards the door. Bagsak balikat niya akong pinanood.

"I'll figure it out. Don't worry about me na, Kuya. I'm a big girl."

Big girl naman na talaga ako. Nakipag-anuhan na nga ako e.

"Hindi ka ba talaga magsasabi kina Mommy na titira ka muna sa L.A.?" tanong pa niya.

Mabilis akong umiling. "Nope. Ayoko ng mga kontrabida at negative na tao sa pag-alis ko. Gusto ko 'tsaka lang nila malalaman kapag nandoon na ako sa ibang bansa para wala na silang magagawa." Tuluyan na kaming lumabas ng apartment ko. "Saka ano bang sasabihin nila kapag nalaman nilang sa ibang bansa muna ako titira? Na nagsasayang lang ako ng pera? E pera ko naman 'to to begin with. Na imbes na negosyo na lang natin ang intindihin ko, ibang trabaho pa ang gusto ko?"

"Hindi naman siguro."

"Tss. Kuya, kabisadong-kabisado ko na mga linyahan nila. Ano pa? Na sayang lang 'yung tinapos ko kasi hindi pala 'yun ang gusto kong career? Na sana business management na lang ang kinuha ko kagaya ng sinasabi nila noon para nakakatulong ako sa business natin ngayon? Kung ganiyan lang din ang mga maririnig ko sa kanila, huwag na lang, hindi na ako magpapaalam na aalis ako."

"E kay Ate Tin, nagsabi ka ba?"

Napairap ako. "Duh? Of course not! Ba't ako magsasabi do'n? Wala rin namang pakialam sa 'kin 'yon kundi i-criticize ang mga desisyon ko."

'Yan. Magsama-sama silang tatlo rito -- si Mommy, si Daddy, 'tsaka 'yung impakta kong ate. Ang saya magpakalayo-layo mula sa mga negatibong tao na hindi healthy para sa 'kin. Medyo nakakalungkot lang dahil maiiwan ko si Kuya Archie dito dahil siya lang ang tanging kakampi ko sa family namin. Pero kaya niya naman nang wala ako. May sarili naman na siyang family kaya paniguradong doon siya magfo-focus.

Hinatid ako ni Kuya sa airport at habang naghihintay ng flight, nakipag-video call sa akin sina Jai, Tay, at Lou. Halos mangiyak-ngiyak sila dahil ang tagal daw nila akong hindi makikita.

"It's just a year or even more. I don't know. It depends. May video call naman," sabi ko.

"O kita mo, you don't even know kung one year lang ang itatagal mo sa L.A!"

I laughed and just reassured them that we'll always keep in touch. Kuya gave me a long and tight hug before I went to the plane. Nakangiti akong umalis ng Pilipinas nang walang halong pagsisisi at pangamba. I liked this feeling. It felt like there's gonna be hope and something that's destined for me in L.A.

Just How I Like ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon