Chapter 16

375 30 25
                                    


NAIARA

Nakabalik na ng Pilipinas ang SB19 pero halos hindi pa rin sila makakapagpahinga nang lubos, lalo na si Felip. He would immediately fly to Singapore as a representative Filipino artist in a music festival there. He would also perform his whole certain EP in a separate show there.

Sunod-sunod ang mga solo ganap niya. Tumawag pa siya sa akin para sabihin na puwede niya akong bisitahin pagkatapos n'ong sa Singapore. Halos magalit ako kapipigil sa kaniya kasi wala na nga siyang halos pahinga. Sinong hindi magagalit?

May mga concert guesting pa sila sa Pinas pagkatapos ng mga solo shows niya. Siya ang pinaka-walang pahinga sa kanilang lima pero naiisip niya pa ring pumunta rito sa L.A! Dapat siguro pinutol ko na talaga ang koneksyon namin noong huli niyang punta rito e. Para rin naman sa kapakanan niya 'yon. Ako ang napapagod para sa kaniya. Nag-aalala ako na baka hindi niya na naaalagaan nang maayos ang health niya dahil sa pagod.

Hindi siya titigil sa kagustuhang bumalik-balik dito sa L.A. hangga't hindi ko pinuputol ang kung anong meron kami. Panahon na siguro para magkalakas ako ng loob.

"Tapos na 'yung mga concert guesting namin. Matagal kaming mapapahinga," aniya sa kabilang linya.

Tahimik akong napabuntonghininga dahil alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

"I can finally visit you. Magbu-book na agad ako ng flight."

"Ken, kagabi lang 'yung concert na ginawa n'yo. Ni hindi ko alam kung natulog ka. Biyahe na naman agad ang nasa isip mo? Can't you just take a long rest?"

I heard him sigh. "I'm okay. Nakakapagpahinga ako nang maayos. 'Tsaka hindi na nga ako nakapunta sa 'yo pagkatapos ng show ko sa Singapore."

"Of course!" hindi ko naiwasang mapataas ang boses. "How could you come here when you have a guesting in Zamboanga three days after the Singapore shows? My God, Felip! 'Tapos sasabihin mo sa 'kin na nakakapagpahinga ka nang maayos? E puro ka biyahe!"

Sandali siyang natahimik sa kabilang linya bago ko narinig ang mahinahon niyang buntonghininga.

"I'm sorry, but don't worry about me. Huwag kang magalit."

I closed my eyes and tamed my emotions for a while. Nanatili akong tahimik hanggang sa unti-unting kumalma ang emosyon ko.

"I'm sorry," I sincerely said. "When are you gonna come here? We need to talk."

Ayaw ko man siyang pumunta na rito dahil nga sa marami kong rason, ayaw ko namang kausapin siya sa ganito lang. I want to tell it to him face to face as a respect as well.

It took him a few seconds before answering. "About what?"

"Things. I don't know, Ken."

Silence once again engulfed the line. Para kaming nagpapakiramdaman. Hindi namin alam kung anong totoong nararamdaman ng isa't isa sa mga oras na 'to.

"Okay. I'll book the earliest flight."

*****

Sabado ng tanghali dumating si Ken kaya off ko sa trabaho. We just hugged to acknowledge the presence of each other, but we didn't talk much. I knew he already felt that something's off kaya siguro hindi siya nagsasalita. Kinamusta lang niya ako 'tapos wala na, tumahimik na siya.

Hindi ko alam kung ilang araw ang plano niya na mag-stay dito dahil wala siyang sinasabi. But I was sure he'd sleep here for tonight and I had no problem with that. Galing siya sa biyahe kaya gusto ko siyang magpahinga na rin muna rito.

Hindi talaga kami nag-usap o nag-cuddle man lang kagaya ng mga ginagawa namin noon sa tuwing nandito siya. Nag-paint na lang ako para ubusin ang oras habang siya ay nanood na lang ng anime sa Netflix. Iyon lang ang nangyari hanggang sa sumapit ang gabi.

Just How I Like ItWhere stories live. Discover now