Chapter 18

230 29 10
                                    


FELIP

"Is your sleep getting any better lately?" my doctor asked as I settled myself on the couch.

Hinubad ko ang cap ko at sinuklay-suklay ang kulay brown ko nang buhok. I looked around her office and felt a calming feeling once again. Ang relaxing talaga ng ambiance ng opisina ni Doktora. Maaliwalas. Ang greeny din dahil ang daming halaman na display.

"Ayos lang, Doc. Five hours pa rin ang pinakamatagal," sagot ko.

Dra. Patrimonio sighed and gave me a reassuring smile.

"At least umaabot na ng five hours ngayon kaysa dati na halos wala ka talagang tulog. That's good. Let's continue to work on your sleeping pattern until we reach a maximum eight hours of sleep. Are you consistent on your meds?"

Tumango ako. "Yes, Doc. Regular din po 'yung pagyo-yoga at meditate ko."

Lumaki ang ngiti niya. "That's nice to hear, Felip! I'm glad you're really motivated these past few months. Magtutuloy-tuloy lang tayo, hijo. And just focus, okay? Again, iwasan ang stress."

It's been three years.

I could still clearly remembered the issues I had before with myself and my mental health, with my group, and with someone I once fell in love with.

Bago dumating sa buhay ko si Yara, madalas na akong inaatake ng insomnia at anxiety. Alam naman 'yun ng mga kagrupo ko sa SB19, alam din ng mga staff namin, at mas lalong alam nina Kuya Mav. Naaalala ko pa noon, si Kuya Mav 'yung palaging nangungumusta at nagtatanong kung nakakatulog ba ako o kung ilang oras ang itinagal ng tulog ko sa nagdaang gabi.

Kaya minsan, hindi na nila hinahayaan ni Joshuel na abutin kami ng dis oras ng gabi sa tuwing gumigimik kami. Kasi alam nilang mahihirapan na akong makatulog. Medyo nabawas-bawasan lang 'yung sleeping disorder at anxiety ko no'ng nag-world tour kami three years ago. 'Tapos bumalik at lumala lang ulit noong ma-brokenhearted ako kay Yara.

Sa loob ng halos tatlong taon, hindi ako napagkakatulog nang maayos at lumala ang pag-o-overthink. Kaya ang dami naming hindi naging pagkakaintindihan ng mga ka-members ko. Hindi ko alam kung hindi lang talaga nila ako naiintindihan o sadyang napapagod na silang intindihin ako kasi paulit-ulit na lang. Hindi ko naman sila masisisi. Hindi naman masama ang loob ko kung gano'n nga ang tingin nila. Kasalanan ko rin naman. Kasalanan ko na hindi ako nakakatulog. Kasalanan ko na late ako palagi nagigising dahil sa insomnia. Kasalanan ko kung bakit kadalasan matamlay ako.

Nagbabalak sana ako noon na mag-release ng mga bagong kanta pero sa lahat ng nangyari at sa palaging kulang ang tulog at pahinga ko, hindi ko na nagawa. Ayos lang. 'Tsaka busy rin naman sa group activities. Sa susunod na lang siguro ako mas magfo-focus sa mga solo activities ko.

Ate Bea recommended me to a doctor a year ago. Noong una, hirap pa akong mag-adjust sa mga ina-advice ni Dra. Patrimonio hanggang sa natutunan ko na lang masanay. For the past year, mas naging okay 'yung pagtulog ko at hindi na gaanong inaatake ng anxiety at overthinking. Nakatulong din 'yung pagbisibisita sa akin nina Kuya Mav at Joshuel sa condo ko. Kahit wala kaming gawin, kuwentuhan lang.

May ilang linggo rin akong bumibisita kina Mama, Papa, at Ate sa bahay namin sa probinsya. Nakakagaan ng loob sa tuwing kasama ko sila. Kung puwede lang doon na muna ako maglagi sa matagal na panahon. Kaso alam naming pare-pareho na hindi puwede dahil ang dami pa ring ganap ng grupo.

Hindi naman na nagtanong noon sina Pablo, Josh, Stell, at Justin kung anong nangyari sa amin ni Yara at kung bakit hindi na ako bumabalik sa L.A. Hindi ko alam kung nagkuwento sa kanila si Ate Bea kasi ang sinabi ko lang naman kay Ate Bea, tapos na kami ni Yara. Basta hindi na ako nagkuwento sa kanila. 'Di ko alam.

Just How I Like ItWhere stories live. Discover now