Chapter 7

256 17 4
                                    

DO NOT SCREENSHOT and upload it as yours! Hindi ka naman siguro pinalaking magnanakaw at copycat kaya mahiya ka.

FELIP

Inabot ko ang inaabot na cellphone ng isang fan sa akin at i-vinedeo ang mukha ko habang kumakanta sa stage. Nang isama ko ang audience sa front cam ng video ay tuwang-tuwa silang kumaway-kaway.

Ang lapit nilang mga bumili ng VIP standing soundcheck sa stage kaya ang dali para sa kanila na iabot sa amin ang mga ipapa-autograph nila. Madali rin para sa aming lima na mapaunlakan ang pakikipag-picture nila.

Live soundcheck pa lang naman pero ang taas na agad ng energy nila. Paano pa kapag pinapasok na 'yung iba, e 'di mas lalong iingay ang buong Arlington Center.

"Are Dallas A'TIN enjoying so far?" tanong ni Stell sa crowd.

Naghiyawan silang lahat. Nakakatuwa dahil ang dami kong foreign fans na nakikita. Until now, I still feel overwhelmed with the fact that international fans spent time in getting to know us. Parang dati lang . . . Pinoy fans lang meron kami 'tapos mga nasa bente lang 'yung mga nanonood ng mall shows at guestings namin. Ngayon, pati foreigners sa ibang mga bansa, kilala na rin kami at hinahangaan.

Everything was all worth it. All the sacrifices and doubts we had, have been paid of. Alam kong malayo pa pero . . . masasabi kong malayo na rin 'yung narating namin.

"Mga panaginip na inaasam . . ." Pablo sang. "Ako'y binuo ng mabuti't masamang karanasan. Puno man ng mantsa'y tinuring karangyaan."

"At gano'n-gano'n na lang . . ." the audience cheered to me as well, when it was my turn to sing my part. "Pagmamahal mo ay walang anumang pag-aabang kaya habang . . ."

"Narito ako, magpapagal para sa iyo," Stell sang his part. "Handang isuko ang buo, oh . . ."

Pumirma ako sa iilang nagpapa-autograph habang hindi ko pa naman turn sa pagkanta. At soundcheck pa lang naman 'to kaya ayos lang.

"Ito ang aking liham sa pag-ibig ko." Para kiniliti ang audience nang kumanta si Josh. "'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano."

Katulad ng routine ng concert namin sa Pilipinas at sa Chicago kagabi, ganoon din ang p-in-erform namin sa Dallas. Ang nakakatuwa lang din sa mga international A'TIN, nae-enjoy nila 'yung mga Tagalog songs namin kahit ibang lengguwahe iyon para sa kanila. They really take time to search for the translation of every Tagalog song we have. Pati vlogs namin na Tagalog ang ginagamit namin sa pag-uusap, pinapanood din nila basta ba't may subtitle.

Nang matapos ang concert, mag-uumaga na kami nakabalik sa hotel na pinag-sstay-an namin dahil kumain pa kami at ang dami pang mga inayos. Nakatulog agad ako pagkahigang-pagkahiga ko sa kama. Ganoon din si Justin na katabi ko sa kama.

*****

"Ang haba-haba naman ng tulog ng batang 'yan! Parang wala nang bukas!"

Kumunot ang noo ko at unti-unting nagising ang diwa nang marinig ko ang boses ni Stell. Ilang sandali ay may naramdaman akong mabigat na pumatong sa tiyan ko. Nagkusot ako ng mata at namumungay pa nang magbaba ng tingin kay Stell na nakaunan ang ulo sa tiyan ko. Nakasiksik siya sa pagitan namin ni Justin.

"Baka nananaginip pa kaya ayaw pa gumising. Si Yara siguro napapanaginipan," rinig kong sabi ni Justin.

"Huy, Ken, Ken! Si Yara nandyan! Andyan si Yara, maabutan kang tulog!" Niyugyog ako ni Stell.

Napakamot ako sa pisngi ko at halos itulak ang ulo niya mula sa tiyan ko.

"Gago," nakapikit mata pang saad ko.

Just How I Like ItWhere stories live. Discover now